Chapter Fourteen

63.2K 3.8K 629
                                    

Kamag-anak mo?

Tyron's

"ANO na naman ang ginagawa mo?"

Hindi ko sinagot si Anita, bagkus ay nilagpasan ko siya at nagtuloy sa sasakyang naghihintay sa akin sa labas. Kailangan kong umalis ngayong gabi.

"Tyron, naman!" Hinatak ni Anita ang braso ko. "Babalik ka na naman doon? Ano pang babalika mo? Abo? Tama na naman! Hindi ka pa ba naawa sa sarili mo?"

"Sinabi ko kay Boo na sabihin kay Ave na babalikan ko siya. Kaya siguro hindi siya umalis sa bahay na iyon. Kasalanan kong lahat ito, Anita. Alam ko at nakikita ko ang mga sinasabi mo, at ng lahat na wala na siya, pero iba ang pakiramdam ko. Napaniginipan ko si Ave. She was running away from the fire. I know she's alive."

Napakasakit isipin na wala akong nagawa para kay Ave Maria. Hindi rin madaling tanggapin na wala na siya. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang malagim na sunog na iyon, nahuli lang naman ako ng isang araw, babalikan ko naman si Ave. Mag-uusap kami. Mahigpit kong ibinilin kay Boo na sabihin iyon sa kanya...

"Wala kang kasalanan, Tyron." Wika ni Anita. "K-kung hindi man umalis si Ave sa bahay. Desisyon niya iyon, pero hindi mo iyon kasalanan. H'wag ka nang maghanap pa. Patay na si Ave."

Tiningnan ko siya. Alam ko iyon, sinabi na sa akin, tinulungan rin ako ni Anita na makahanap ng dental samples niya, sinubukan ko ring lumapit kay Mr. Consunji pero kahit kailan ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para makalapit sa kanya. Nang bumalik ako kahapon sa opisina niya para muling sumubok makipag-usap ay sinabi noong staff sa akin na umalis ang mag-asawa papunta ng Amerika.

Hindi na ako nakialam noon. Naisip kong baka kailangan nila ng panahon para makalimot sa naganap kay Ave Maria... pero nababaghan ako, bakit napakadali para sa kanila ang sumuko?

Hindi ako tumigil. Hindi man ako umalis nang gabing iyon pero hinahanap ko pa rin si Ave Maria. Gabi – gabi ko siyang napapaniginipa. Paiba-iba. May panaginip akong umalis siya ng bahay bago mangyari ang sunog, may panaginip akong umiiyak siya, may panaginip akong nagdadalan-tao siya – at iyon ay pinakamaganda sa lahat. I always dream of her holding a baby girl. Kung siguro ay magkasama pa rin kaming dalawa, malamang may anak na kami.

Pabalik – balik ako sa mga pulis, nagtatanong, naghahanap. I even hired a P.I. para makasiguro ako pero lahat sila, iisa ang sinasabi.

"Tyron, isang taon na. Patay na si Ave. Hindi na siya babalik." Tiningnan ko si Anita. Naririnig ko siya pero hindi pa rin iyon ang gusto kong paniwalaan. I know that she is somewhere out there and I have to find her. I feel like I am missing something, that's why I need to find Ave. I don't want to miss my whole life. I need her.

"Tyron! Kailan ka ba gigising! Patay na si Ave! Ilang dental records pa ba ang kailangan mo?!"

"Wala akong kailanga, Anita kundi si Ave. Hahanapin ko siya kahit na abutin ako ng dalawang dekada. Kahit kailan, walang makasasapat na dental records o police report. Hahanapin ko si Ave. Siya ang buhay ko."

Napaluha ako.


"At hindi ko alam kung paano mabubuhay. Hindi ko siya dapat iniwanan. Dapat hindi ko na pinsabi kay Boo, dapat pinuntahan ko siya, dapat sinundo ko na siya. Kasalanan ko kung bakit nangyari iyon."

"Kahahanap mo, hindi mo nakikita ang mga taong nasa paligid mo. Sayang naman, Tyron. Sana naman mag-invest ka ng emotions sa taong nasa paligid mo, hindi iyong patay na."

Tell me you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon