Pray
Ave Maria's
"AVE, you can't be here."
Dinala si Tyron sa Varess Medical City. Mabuti na lang at naroon si Dyosa. She called the ambulance and she also called the police para habulin iyong sumagasa kay Tyron. Hindi ko alam kung paano akong hindi nawawalan ng malay habang nasa ambulance kanina. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi nga ako makahinga. All I could think about is JT and how much he needs a father. Oo, madamot ako, oo ayokong maging parte si Tyron ng buhay ng anak ko, kasi baka mawala siya, pero habang nakatingin ako sa duguang katawan niya ay wala akong ibang nakikita kundi ang anak ko at kung gaano siya masasaktan sa oras na malaman niya ang nangyayari.
"Ave, leave!"
Tiningnan ko si Ree – ang asawa ni Adonis Emilio. Nakalagay ang kamay niya sa dibdib ni Tyron habang paulit – ulit pinapump iyon.
"Defibrillator! Dali! Charge to 250!"
"He has lacerations! Call Dr. Marquez now! Request for MRI and please page Dr. Orejon! We need a neuro consult! Now! Ave, you can't be here!"
"I am a doctor too!"
"I know, but he's your relative – ir whatever. You know the drill."
"Ready, Doc Ganda.""Yes, yes. Charge to 250."
Itinapat nila sa dibdib ni Tyron iyong defibrillator. Dinig na dinig ko ang tunog niyon. Napapapikit pa ako habang pinapanood siya.
He can't die.
"Take Ave away from here." Wika pa ni Ree. "And where the hell is Santino Orejon!"
Wala akong nagawa nang kunin nila ako paalis roon. Naiwan ako sa waiting area at palakad – lakad ako. Naluluha, nag-iisip. Hindi dapat mawala si Tyron. Noong sinabi kong ayoko na, hindi naman ito ang ibig kong sabihin.
"Ave!" It was Dyosa. Tumatakbo siya papunta sa akin. Halatang hinihingal siya. Nang makarating siya sa pwesto ko ay hinawakan niya ang aking balikat.
"The police have that bitch Anita and a that matronang Gracia in their hands. Plus, I have witness!" She giggled. "They are just waiting for you to file a formal complaint."
"Did you file it?"
"No. Why would I do that? Tyron totallt deserves what happened to him. Sabi ko nga dapat magpakamatay na lang siya, at least hindi siya makasalanan tapos dadalhin siya sa ---"
"Shut up!" I hissed at her. "How can you be so insensitive, Dyosa?" Naluluhang tanong ko sa kanya. "No one deserves to die like this!" I sobbed.
"Ave, are you alright?!" Dumating si Pan at si Toto. Pan comforted me. Nanghihina ang tuhod ko. "What's nangyayari ba? Who made sagasa your boylet?!"
"Whatever!" Sabi ni Dyosa. "Tyron deserves it anyway. Hindi siya kapatapatawad. If he's a Consunji, madali siyang patawarin pero hindi, so sorry na lang sa kanya."
Gusto kong sampalin si Dyosa pero wala akong lakas ng loob. Pan shook her head.
"Ikaw na babae you, kung what-what ang pinagse-say mo like four omg omg omg omg! Made-dead si Tryon and he will make you multo like five awooo awooo awooo awooo awooo!" Pinandilatan pa ni Pan ng mata si Dyosa, si Dyosa ay napalayo nang kaunti. "He will make kamot your pekpek and make budbud the paminta all over so it will be so makati, kasi your ugali is so sama!"
"Tama na nga iyan, Panpan. Hindi naman kayo nakakatulong kay Ave." Pumagitna si Toto sa aming tatlo. Hinang – hina ang tuhod ko. Pilit akong sumisulip sa loob ng Trauma One. para makita kung anon a bang ginagawa nila kay Tyron. Nakita kong pumasok na sa loob si Santino Orejon. Narinig ko na ang tungkol sa kanya noon. He was the one who operated on Andromeda. He was the new miracle doctor in Varess pero kahit na ganoon ay hindi pa rin ako mapakali.
BINABASA MO ANG
Tell me you love me
General FictionAll Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang kaso sa kanya kung hindi ito sing yaman ng pamilya niya, dahil mas mahalaga ang pagmamahalan nila. Pe...