Cailee's POV
Alam kong merong nag-iba sa akin pagbalik namin galing Tagaytay. Naging tahimik ako at moody. Sabi ni Zoey malungkot daw mga mata ko. I tried to be cheerful in front of my family and friends. Si Zoey lang ang nakaalam na deep inside, nasasaktan ako.
"Jean... hindi mo suot ang braces mo." Bulong ni Zoey sa akin.
Kinapa ng dila ko ang fake na braces. Oo nga, hindi ko naisuot. Hindi na lang siguro ako magsasalita muna.I don't know what's wrong with mean people, kung kailan ka nananahimik saka ka nila guguluhin. Iniiwasan kong patulan si Stacey ng ibully nila si Zoey. Inaaway nila ang tao dahil nainvite sa debut ni Cailee... Sa debut ko.
Papunta kami sa canteen ni Zoey dahil nauna si Khal doon para maireserve ang isang table. Natanaw namin na nandoon din ang mga kaibigan namin so I put my best smile. Hindi ko napansin si Stacey na palapit sa amin na may dalang softdrinks. Dere-deretso siya at talagang binuhos niya kay Zoey ang softdrinks na may kasama pang ice cubes.
"Ay...sorry..." natatawang sabi ni Stacey habang nakataas pa ang baso sa ulo ni Zoey.
"Sinasadya ko Zoey." Tuluyan siyang tumawa.
Tinulak ko palayo si Stacey.
"Ano ang problema mo Stacey?" Sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kung magkagulo kami sa canteen. Natahimik ang buong canteen sa lakas ng sigaw ko. Doon pa lang napansin ng mga kaibigan ko na basang basa si Zoey at namumula ako sa galit. Lumapit si Khal at Jack kay Zoey at pinunasan ang basang buhok at mukha nito ng panyo. Nakayuko si Zoey at halatang umiiyak.
"Huwag kang makialam kung ayaw mong pati ikaw madamay sa inis ko sa babaeng yan." Stacey shouted back.Nag-init talaga ang ulo ko. Hinubad ko ang salamin kong suot.
"Ano ang kasalanan ng kaibigan ko sayo? Bakit ganyan kademonyo yang ugali mo?" Humakbang ako ng isa palapit kay Stacey. Dahil siguro sa galit sa mukha ko, humakbang paatras si Stacey. Good... matakot ka. Dahil punong puno ako ng galit ngayon at mapalad kang kinanti mo ang kaibigan ko.
Hinubad ko ang bag pack ko saka humakbang ulit ng isa.
"Mali ka ng kinalaban Stacey... Tatandaan mo ang araw na ito."
Nanlaki ang mata ni Stacey. Tumingin siya sa likod niya kung merong kaibigan na nakatayo. Wala kahit isa...
"Hindi ako natatakot sayo." Sabi nito.
"Good..." I said. Saka ko hinubad ang wig kong suot. Nasama sa pagtanggal ko ang net na nilalagay ko sa buhok ko kaya lumadlad ang hanggang baywang kong tuwid na tuwid na buhok.Napasinghap ang mga nanood sa amin. Pati si Stacey napanganga ng makita kung sino ang nasa harapan niya.
"Kung gusto mo akong makalaban Stacey, hindi kita uurungan. Minsan mo pang kantiin ang kaibigan ko, sisiguraduhin kong mapapatalsik kita dito sa Brent. At hinding hindi ka na makakapasok sa kahit anong school dito sa Pilipinas." Banta ko sa kanya.
Nanigas yata sa pagkakatayo si Stacey dahil hindi ito nakagalaw.
Lumapit ang mga kaibigan ko. Inakbayan ako ni Carlos at binigay sa akin ang bag ko.
"Let's go sis. Dalin na lang natin ng guidance yang nangyari." Yaya ni Carlos.
Sinuot ni Rome kay Zoey ang jacket na suot niya. Nauna ng inakay ni Khal at Jack si Zoey palabas ng Canteen.Sinundan kami ng tingin ng mga nasa canteen hanggang sa makalabas kami. Dinala namin sa Guidance Office si Zoey na ngangatog na dahil sa lamin ng binuhos sa kanya ni Stacey.
Hindi nagustuhan ng Guidance Counselor and ginawa ni Stacey pero hindi ko maintindihan kung bakit verbal warning lang ang ibibigay nila kay Stacey.
"Ma'am with all due respect, my friend is chilling because some bully purposely pour her an ice cold soft-drinks in front of the whole students at canteen. And you will just talk to that bully?" I asked to my guidance counselor.
"Cailee, calm down." Pinapaupo ako ng pilit ni Carlos at Zoey.
"What is your name young lady?" Mataray na tanong sa akin ng guidance.
"Cailee... Cailee Sebastian." Taas noong sagot ko.
"Are you by chance related to Mr. Red Sebastian?"
"He is my father and a generous benefactor of this school if my memory is correct." I squared my shoulder. God, I hate to use my father's name but I want Stacey to pay for what she did.
"I see." Tumango-tango ang guidance counsellor.
"This is not the first time that she did this kind of stunt. I am confident that you will follow the student handbook and will give her the 3 days suspension as it is clearly written on the student handbook that we signed."
"I will review and investigate on what happened. Rest assured this will not happen again." Sagot ng guidance counselor sa akin.
"Thank you Ma'am." I said and went out of her room with Zoey and Carlos behind me.Naghihintay sa labas ng room ang mga kaibigan namin.
"Ano daw?" tanong ni Rome.
"They will review and investigate." I replied flat.
"That's bullshit." Rome shouted.
"Shhhh.... Baka masuspend ka pa. Kami ng bahala." Pagbabawal ni Carlos kay Rome.
"I dropped my father's name to the guidance counselor so we will just wait for Stacey's suspension." I said confidently.
BINABASA MO ANG
Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)
RomanceCailee Sebastian grew up under the eyes of everybody. Like a princess surrounded with walls of their palace, she felt... suffocated . She is craving for normal life. She is craving for a change... Gabriel Miller grew up looking at the adults surroun...