ZOEY: THE ROAD LEADS TO ROME
Chapter 1:Zoey's POV
"Are you okay?" a guy asked. He is the most handsome human being I've ever seen. And it says much because kaibigan ko si Carlos Sebastian, who is as handsome as sin.
"I'm fine...Thank you." I replied when I found my voice. He helps me collect my books that Stacey throw on the ground. God, ang tangkad nya. At ang mata nya, parang laging nakangiti.
"What's your problem?" Bulyaw nito kay Stacey na nakatingin lang sa akin ng masama.
"Salamat ulit." Kinuha ko ang mga libro na napulot niya.
"Ano name mo?" Tanong nito.
"Zoey." I replied.
"I'm Rome." Nilahad niya ang kamay niya. And I accepted his handshake.---------------------
Two lines...
Napasandal ako sa wall ng toilet. What am I going to do?
I'm pregnant...Parang hinalukay ang sikmura ko, dala na rin siguro ng tension sa nangyayari, napaupo ako sa tapat ng bowl at sinuka ang tubig na ininom ko pagkagising.
Kung mabubuhay kaya ang parents ko, ano ang sasabihin nila?
Pinalipas ko ang ilang minuto bago ako tumayo at naligo. Hindi maalis alis ang mapakla kong panlasa kahit nagtooth brush na ako at mouth wash.
"Goodness, you are here." Brooklyn said after she sees me. Kapatid siya ni Rome and she's here at Hacienda Soledad with me to manage it.
"Sorry, masama kasi pakiramdam ko." I replied.
"Shocks Ate Zoey, it's Saturday. Wala tayong pasok and mom and dad is asking us to go to Vicente." Inusog ni Brook ang mga tinapay sa gawi ko. Umiling ako.
"I can't go. Masama talaga pakiramdam ko." I replied.
"Ahhh... sayang naman. I will tell mom and dad na nagpa-iwan ka na lang dito." She replied.
"Do you want me to call a doctor? Parang maputla ka."
Umilingako. "I will be fine. Balik na lang ako sa kwarto ko."
Tumango si Brook saka ngumiti. "Okay. See you Ate Zoey."She keeps calling me Ate Zoey kahit na matanda lang ako sa kanya ng isang taon. Ang kaedad ko talaga ay ang kapatid nilang si London. The middle child. Maaga lang talaga akong nakahraduate.
Malaki ang utang na loob ko sa family ni Rome. His parents gave me a scholarship to UK so I can pursue my Veterinary Medicine. And after my graduation, Tita Diane asked me if I want to work with Brooklyn in Haciendad Soledad.
Nahiga ako sa kama at tumingala sa kisame. Ano kaya ang ipapayo ni mama kung nandito pa sila ni papa?
Halos magkasunod na namatay ang mga magulang ko. Naunang nawala si mama dahil sa sakit sa puso, 1 year after kong makapasok sa University of London. After two years, sumunod naman si papa dahil sa sakit niya sa diabetes. Pero bago namatay si papa, sinabi niya sa akin na meron pa siyang nauna na pamilya. May kapatid ako. Mas matanda sa akin. Sa mismong libing ko na nakilala ang nag-iisa kong kapatid.
Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko? Si Cailee na may problema din sa lovelife o si Kuya na walang lovelife?
Ano ang sasabihin ko kay Rome?
Anong mukha ang ipapakita ko kay Tita Diane?Kusang tumulo ang mga luha ko and my hand automatically went in my tummy.Despite being scared, a smile creeps to my face. I am carrying a child. I am carrying Rome's child.
----------------
A/N
Okay mga friends... wala pa akong cover nyan.
Hope you enjoy the preview kahit maikli. And I hope looking forward kayo sa story
because Zoey's story will make us appreciate life.NAKS... Enjoy guys....
BINABASA MO ANG
Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)
RomanceCailee Sebastian grew up under the eyes of everybody. Like a princess surrounded with walls of their palace, she felt... suffocated . She is craving for normal life. She is craving for a change... Gabriel Miller grew up looking at the adults surroun...