Chapter 11- Ang Tindero

10K 281 4
                                    

Cailee's POV

Tamang tama dahil 1 week break namin from school next week. Makakasama namin si Zoey sa Tagaytay. Pinayagan na siya ng parents niya.

"Excited na ako." I told Zoey when we are at a table under a pine tree.
"Makikita mo na si Gab." She said. Tumango-tango ako.
"Ano itsura nya?" Tanong nito. Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang picture ni Gab na nakasave sa photo gallery ko.

"Am-boy." Sabi ni Zoey. Tumango ako.
"He is...3/4 American. Half-pinay mama niya."
"Ang ganda ng mata niya. Asul na asul."
"Di ba..." Kinikilig akong tinitigan ang picture ni Gab.
"Sabi ni Khal childhood sweethear daw kayo."
Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita.

Nakita kong palapit ang mga kaibigan namin kaya tinago ko ang cellphone ko.

Hanggang ngayon tinatawanan ako ni Rome tuwing makikita.

"Para ka talagang sponge." Ang sabi ni Rome ng makalapit sila sa pwesto namin ni Zoey.
I saw Zoey blush when Rome sits beside her. Hay... patay tayo diyan Zoey.
"Nasaan si Khal?" Tanong ng kapatid ko.
"Nag remedial sa PE. Absent kasi siya nung nagpractical kami sa archery." I replied.
Binati ko si King at Jack. Ang kambal na hindi mukhang kambal. King is so gentle that's why we called him gentle giant. While Jack is a tomboy kind of gal...
"Bakit absent si Khal nung isang araw?" Tanong ko kay Jon.
Matanda ng 11 months si Khal dito. But unlike Khal, Jon got Uncle Renz height and personality. Split image siya in Uncle Renz. Kaya kapag magkasama sila ni Carlos, my lola will tell us parang si daddy at Uncle Renz ang nakikita niya.

"She ate a lot of lengua de gato while listening to radio." Jon replied. "Iyon tinanghali ng gising kinabukasan. We have a lot of lengua sa bahay. Tanungin mo si Carlos kung saan galing."

"Hey, I just thought mom will like it." Defensive na sagot ni Carlos. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sus, type mo nagtitinda eh." Rome commented.
Napangisi si Jack.
"Hindi ah." Sagot ni Carlos.
"Ilang kahon ang dalang strawberry jam ni Carlos kahapon?" tanong ni Rome kay King.
Palibhasa magkakasama sa bahay kaya alam ang mga kalokohan ng isa't- isa.

"Dalawang kahon." King replied. "Tapos dalawang kahon lengua, may peanut brittle..."
"Shut up." Carlos told them.
I chuckled because clearly Carlos is not comfortable with the topic.
"Mukha ng may tindahan sa bahay." Jack commented.
"Dalan nyo kami ni Zoey." I said. "Para mabawasan ang paninda ni Carlos."

My brother rolled his eyes. Napikon ang mahilig mangpikon.

Nasa loob kaming tatlo ni Khal at Zoey ng classroom ng lumapit si Stacey sa amin.

"Hoy babeng puno." Sabi nito. Natingin ang mga kaklase namin sa kanya.
"How dare you flirt with Carlos Sebastian." Galit na sabi nito.
Napanganga ako sa sinabi niya. Nasapo ni Zoey ang noo at tumawa ng tumawa si Khal.
"Seryoso ka Stacey?" I asked her back.
"I saw you earlier with his friends. Kayong dalawa ng trying hard mong kaibigan. Nilalandi mo si Carlos." Sabi nito. Is she daft or what?
"Ano ka ba ni Carlos?" balik na tanong ko sa kanya.
"Girlfriend." Confident na sagot nito.
"So ikaw yung nangtitinda ng lengua de gato?" pang-aasar ko sa kanya. Naku nga, may taste naman ang kapatid ko pagdating sa babae.
"Mukha ba akong mahirap?" Sarcastic na tanong ni Stacey. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Layuan mo si Carlos at mga kaibigan niya." Sabi pa nito. She flipped her hair and marched with her friends to go back to their chair.

"Ano yun?" tanong ko kay Khal. Na-amaze ako kayStacey sa lakas ng loob.
Tawa ng tawa si Zoey at Khal. Natawa na din ako.
"Akala ko siya yung nagtitinda ng mga pinapakyaw ni Carlos." Tawa kami ng tawakahit masama ang tingin ni Stacey sa amin.

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon