Cailee's POV
"I can't believe na grounded na naman ako." I told Gab. He is chuckling beside me. Nasa park kaming dalawa. He texted me na magkita daw kami dahil may sasabihin siyang importante sa akin. Hindi ako pwedeng lumabas ng Country Club.
Kahapon pagdating namin galing Myanmar, nagtaka si Tito Cloud ng makita niya kami ni Trevor na kasabay ni Gab. At ng malaman ni daddy na galing ako sa Myanmar for medical mission, iyon, grounded na naman. Galit na galit si daddy.
"Love, dinaig mo kasi si Khal sa pagiging pasaway. Kung nasaan ang trouble, nandoon ka." Sagot nito.
"Anyway, ano yung sasabihin mo sa akin?" pag-iiba ko ng usapan. Humarap ako kay Gab. Ang gwapo talaga ng mokong na ito. I think mas mataas siya kay dad ng konti. His dark brown hair was cut short, his nose is pointed, his lips is pinkish red and his blue eyes is looking at me like he is in trouble.
"Huwag mo akong pakabahin Gab... Aalis ka na naman ba?""Hindi." Umiling siya. Hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Love, I can't resign on my work right now."
"O...kay..." I said. Hindi ko alam kung saan papunta ang mga sinasabi niya.
"I am a member of a military force that is under UN. They called us Knights of the Leaders. And I am a Knight. I'm a spy, a soldier, a hacker.. I run after terrorist. I sometimes go into war."
Tumango ako.
"I want to stay as a Knight. I want to protect you and our family."
"I won't ask you to resign." I replied. "I know how important your career to you. It's who you are. Given, mag-aalala ako sayo. But then again, lagi naman akong nag-aalala. But like you, I have work to do too. Kaya, I understand. You keep us safe Gab. Wala naman magbabago kahit sabihin mo pa lahat sa akin. Hindi magbabago tingin ko sayo dahil nakapatay ka ng terorista."Napabuga ng hangin si Gab.
"And here I thought I need to beg for you just to understand me." He kissed my knuckles. Those small kisses that brought electric current inside me.
"Tell me everything that you want to tell me. I will listen to you. Huwag mo lang gagawin ulit ang umalis ng hindi ko alam ang dahilan. Kung sasabihin mong mission mo ang gagawin mo, I will understand. I will wait for you hanggang sa bumalik ka."
He smiled at me. "Thanks Love."
"So... Ibig sabihin si Jack kasamahan mo?" Curious na tanong ko.
"Oh... I can't say anything on her behalf." He replied.I rolled my eyes.
"Hinihintay tayo nila mommy. Sabi ko sa kanila may ipapakilala ako."Napatingin si Gab sa akin. Nahinto sa pagtayo.
"Are you scared of my dad?" I teased him.
"I respect your dad, Cailee. I looked up on him as a kid. Him, my dad, Tito Kyle, Tito Ace..." He shrugged and I thought I already full of love with this man. Hearing those words he spoke for my dad made me love him even more.
"Maybe I am scared that he found me lacking for you...""He won't. You are more than enough, Gab." Naghintay kami ng golfcart na padaan at nagpahatid kami sa bahay namin.
"Akala ko ba si Tita Marie and Tito Red lang ang nandito?" bulong ni Gab pagpasok namin sa bahay. Kumpleto ang tropa ni mommy parang merong fiesta. Nasa sala sila at kumakain ng kung ano-ano.
We did made our rounds of kisses and hugs to our Titos and Titas. I kiss my mom and dad which I earn a glare with my dad. Bawal din ba akong lumabas ng bahay?"Cailee, ano daw ang sasabihin mo saming importante ni daddy mo?" seryosong tanong ni mom. Napatingin ako kay Gab. He looks cool, pero ako kabado. Paano naman kasi kumpleto sila, minus Tita Diane and Tito Tristan. Nakatingin din sa akin si Tita Kath at Tito Marcus.
"Ha? Hehe mom, ang daming tao." I replied.
She rolled her eyes. "They are family. So, ano na nga yun? Don't tell me may kalokohan ka naman ginawa."
"Wala..." I cleared my thoart. Pinagpapawisan ang kamay ko. Bakit ba kasi umupo si Gab sa tabi ng Tito Marcus at iniwan ako sa tabi ni mommy.
"Mom, Dad... Si Gabriel po" Pagsisimula ko.
"Kilala ko si Gab, Cailee." Sagot ni daddy. I made face...
"Si Gab po. Boyfriend ko." Nag-init ang dulo ng tenga ko. I will not look down... I will not look down... Hindi ko kinakahiya si Gab.
Tumingin si daddy kay Gab. Nakakunot ang noo.
"Kailangan ko bang barilin si Gab?" tanong ni daddy.
"What?! No... dad.." Napatayo ako. Ready to fight with my dad.
Tumatawang hinampas ni mommy ang braso ni daddy.
"Red, tigilan mo nga yang anak mo." Lumapit si mommy kay Gab saka niyakap ito ng mahigpit.
"It's about time Gabriel. Welcome to our family." She kissed his cheek. Ngayon ko lang nakitang namula ang Gab.
I saw my dad chuckling. "Well, I hope Lise got that on video." He said.
Napaupo akong nadukmo sa throw pillow. "This is so embarrassing." I murmured.
Nadidinig ko silang nagtatawanan.Masayang nakukwentuhan sa dinning area namin. Tita Kath hugged me and she told me that she knew it since last night. When Gab went home smiling from ear to ear and told them that I am his girlfriend.
Katabi ko si Gab sa mahabang mesa namin na puno ng tawanan habang kumakain ng lunch.
"So Gab..." My mom called. Napatingin pati ako kay mommy habang ngumunguya ng potato salad.
"Kailan ako magkaka-apo?" Seryosong tanong ni mommy.Nabulunan ako sa tanong ng mommy ko. Pinaghahampas ni Carlos ang likod ko para maalis ang bara sa lalamunan habang tawa siya ng tawa. Habang si Gab pinigilan maibuga ang iniinom na tubig.
Oh... this is so embarrassing.
Naiiyak silang lahat kakatawa. Pulang-pula kami ni Gabriel.
"Hey... I'm serious. Kailan ako magkaka-apo?" Inulit na naman ni mommy ang tanong nya. Si daddy parang nakakain ng apdo sap ait ng mukha.
"Mom..." I tried to gain myself out of this embarrassment.
"Ma, walang apo. Jesus... I will not have this conversation with you. Tingnan mo si dad, ready ng sumabog sa tanong mo."
Tumingin si mommy kay dad. "Oh, Red... Tumigil ka nga. How old am I ng pinakasalan mo ako sa Singapore?"
"That's irrelevant." Sagot ni daddy.
Hindi siya pinansin ni mommy. "I was just 23... Over age na nga si Cailee compare sa akin. Dapat nga nag-aasawa na yang mga anak mo. Wala ng baby dito sa atin."I hear Gab chuckled beside me.
"Tumigil ka hindi nakakatawa." I said through gritted teeth.
In fairness, pinigilan naman ni Gab ang tumawa."Hay... buti pa si Diane, magkaka-apo na." My mom said na nakapagpa-tahimik ng buong mesa. Natingin siya sa amin and she cover her mouth.
"Wala akong sinabi. Hindi galing sa akin ang balita. Just pretend you don't know." She said while laughing.
"What?" Si Tita Trisha ang unang nakabawi. "Sino sa tatlo ang magkakaanak?"Hay, buti naiba ang usapan...
"Oh Lord... Hindi ko alam ang buong story... But it's Rome." My mom replied.
Napanganga ako... kami... kaming mga kaibigan ni Rome.
"Rome is fast." Bulong ni Gabriel.
I made face... but thinking small blue eyed babies calling me mama didn't frighten me. One day... Baka magpababy shower na agad si mommy kapag nalaman niyang I welcomed the idea.————————-
A/N
Kailan daw siya magkaka-apo?! hahaha taragis na yan.
BINABASA MO ANG
Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)
RomanceCailee Sebastian grew up under the eyes of everybody. Like a princess surrounded with walls of their palace, she felt... suffocated . She is craving for normal life. She is craving for a change... Gabriel Miller grew up looking at the adults surroun...