Epilogue

14.9K 327 24
                                    




Cailee's POV

I called Zoey that night. Damn, Rome is going to be a father. At ano kaya ang mararamdaman ng best friend ko ngayon? Jesus Christ, I am the bearer of bad news. Mahal na mahal ng kaibigan ko si Rome. Kapag nga naman naglaro si kupido... tsk tsk tsk....

Nasa Hacienda Soledad si Zoey. Siya ang Vet sa Hacienda na mina-manage ni Brooklyn. Ang nag-iisang babae ni Tita Diane.

"Hello." Sagot ni Zoey sa kabilang line.
"Hello Zoey... Kamusta ka na?"
"Okay naman ako Cailee." She replied. Parang malungkot ang boses nito.
"Kamusta ka? Ano na balita sa inyo ni Gab?"
"Well, kamina. Pinakilala ko na din siya kina daddy, officially. And I am grounded for going to Myanmar." She chuckled. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Minus the flashlight details.
"I'm so happy for you." She replied.
"Thank you... Zoey... kaya nga pala ako napatawag kasi... may balita ako sayo. Bad news siya bes."
"Okay... What is it?"

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"I heard that Rome will be a father soon. Nakabuntis daw si Rome." I said.
Natahimik si Zoey...
"Bes... hello. Nandiyan ka pa ba?"
Hindi pa rin nagsalita si Zoey.
"Zoey...hello..."
Narinig kong suminghot si Zoey sa kabilang line. Umiiyak siya.
"Zoey, sorry na sa akin nanggaling ang balita. I just want you to know it before mo pa malaman sa iba. I don't know the full details kung sino yung girl."
Iyak ng iyak si Zoey. After awhile she cleared her throat.
"Cailee, ako ang nabuntis ni Rome." She replied.

For the second time this day napanganga ako. Natingin ako sa cellphone na hawak ko.

"Zoey?" I asked. Tama ba ang nadinig ko?
Humagulgol ng iyak si Zoey.
"Teka... tumahan ka. Ano ulit yung sinabi mo?"
Lalong lumakas ang iyak ni Zoey sa kabilang line.
"Ako...ang...nabuntis...ni Rome." Humihikbing pag-uulit ni Zoey.

Nanlalambot akong napaupo sa kama ko. Pareho kaming natahimik.

"Ano ang sabini Rome?" I asked after a while. Jesus Christ... How? When? Why? What? Ang dami kong tanong pero mas kailangan kong making muna kay Zoey.
"He is not happy about it." Sagot ni Zoey ng medyo kumalma.
"Ano?" Napatayo ako sa kama.
"We haven't talk about it much, Cailee." She replied.

"I will be there Zoey. Magpahinga ka na muna. God, Zoey... sumakit bigla ang ulo ko. Pero congratulations on your baby."
"Thanks Cailee. Hindi mo kailangan pumunta dito. I will be fine." She said.
"Will I be the ninang?"
I heard her chuckled a little. "Of course."
"Okay...Goodnight Zoey."

Matagal-tagal akong nakatulala sa kawalan bago ko naisipang tawagan si Gab.

"Hello Love. Namimiss mo agad ako." Bungad niGab sa akin. Umuwi kasi sila ng Batangas after kaming gisahin ni mommy.
"Hindi ah." I automatically replied.
"Hindi?"
"Sort of..." I murmured. I heard him laugh a little.
"Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?"
"I think I need to go to Negros." I answered.
"Why?"
"Because Zoey is pregnant and Rome is not happy about their baby." I replied.
"Si Zoey?...Yung bestfriend mo?" Nagulat si Gab sa sinabi ko.
"Yes..." I exhale deeply.
"God, they are really so fast." He commented.
"Love, focus tayo. Isangtabi mo muna na naunahan ka...I need you to help me."
"Siguro, kailangan ko ng pagbigyan si mommy mo sa apo nya, Love. Ano sa palagay mo?"
Napasinghap ako. Aba, loko-loko. Ang lakas ng tawa ni Gab sa kabilang linya.
"How can I help you?" He asked, still playfully, pagkatapos ko siyang balaan na isusumbong ko siya kay daddy.
"Pwede mo ba akong pagpaalam kay daddy na payagan pumunta ng Negros? Feeling ko hindi ako papayagan kung hindi ka sasama."
"Anong balak mong gawin sa Negros?" May halong babala ang tanong ni Gab.
"Tatadtarin ko si Rome ng pinong-pino." I replied.

Letcheng Rome yun. Binalaan ko na eh. Pinagsabihan ko na siya...
Tatadtarin ko talaga siya ng pino.

--------------

A/N
Of course bitin na naman kayo... Kasinga ang Epilogue ko ay simula ng next story.

So abang-abang nalang sa story ni Zoey...

I have a preview sa 1st Chapter ng next story natin...

Go to the next page please...

Thank you for reading my book.
Sana nag-enjoy kayo as much as I enjoy writting it.
Don't worry, lilitaw pa sila Cailee at Gab sa mga sususnod na stories natin.

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon