I can clearly see in her face the hatred and disgust. "You're not my daughter, wala akong anak na katulad mo." then she walked away and I was left there standing and I just watched her as her figure slowly faded away. "You are just too boring, nakakabagot kanang kasama." He said then left me just like that.
Bigla akong nagising. "Panaginip lang pala." I sighed, and when I moved to stand up I felt something heavy around my waist. Napatingin ako at napansin kong may kamay pala na nakayakap doon, napatingin ako sa may-ari ng kamay na yun na mahimbing lang na natutulog sa tabi ko. AT talagag nakangiti pa ang mokong.
"Ano kaya ang panaginip nito at mukhang masayang-masaya siya."
"Ahh...Mmmhh...wag.."
"Huh???"
"W-wag...wag Christine...nakikiliti ako.."
Aba't! talagang ang pinsan ko pa ang pinapantasya ng mokong na ito.
"C-Christine.." at ngumiti ng nakakaloko si Neil
"TUMAHIMIK KA!" sabay suntok sa kanya ng malakas.
"ARAY!"
Tumayo ako at kumuha ng ilang damit sa cabinet.
"Ano bang problema mo Eclaire at sinuntok mo ako?" nakahawak ang kanang kamay niya sa namumulang pisngi niya. HIndi ko siya sinagot, nagtungo nalang ako sa banyo at bago pa ako pumasok narinig ko ang sinabi niyan."Ang ganda pa naman sana ng panaginip ko" pabulong niyang sabi.
"Ganun pala ha." kinuha ko ang isang regalo na nasa malapit ko at binato sa kanya, sapol talaga siya dun.
"Aray!"
"Eh di matulog ka ulit! Hmph!" yun lang at pumasok na ako sa banyo.
Waaaaaa! nakakainis talaga ang bakulaw na yun, hindi na nahiya at talagang pinsan ko pa ang napagtripan. Nagbihis ako ng damit dahil hindi ko namalayan na naka wedding dress pa rin pala ako nung natutulog ako. Malipas ang ilang minuto nakabihis na ako na isang cotton short at oversize shirt, ganito talaga ang trip ko eh mas kumportable ako dito. Bago ako lumabas ang nghilamos pa ako para kahit papano ay makuha ang make-up sa mukha ko, nakakatihan na ako eh hindi ako sanay magmake-up. I looked at myself in the mirror, and I started to remember that dream, a tear fell from my eyes, I washed it away immediately. Kainis! matagal na yun, wala na yun, wala na siya. Patuloy ako sa pagbasa sa mukha ko hanggang sa mapagod ako, nakayuko pa rin ako at napatingin sa kanang kamay ko. I saw there a golden ring with little diamonds at the center.
"I'm married." I whispered, at napabuntonghininga nalang ako, then I heard a knock on the door.
"Ano...Eclaire tapos kana ba diyan? pwede ako na man? tinatawag na ako ni mother nature eh."
"Paano kung ayaw ko?"
"Eclaire naman walang ganyanan, baka lumabas na ito dito."
"Due date mo na pala?"
"Eclaire wag kanang magloko diyan sige ka dito talaga ako lalabas"
"Eh di gawin mo, magahanap ka ng erenola diyan baka may nag regalo diyan sa atin." Natatawa na talaga ako dito promise, pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Eclaire, pleeaaassseee!!!" Katok talaga siya ng katok, bahala ka diyan parusa mo yan dahil kung sino-sinong babae ang iniisip mo eh. "Eclaire! sige ka sisirain ko itong pintuan!"
"Sige subukan mo"
Nagulat ako bigla ng biglang kumalabog ang pinto, aba't talagang balak niyang sirain ang pintuan, biglang may naisip akong kapilyuhan. Pinakiramdaman ko ang pinto at hinintay na sumugod siya ulit, ng narinig ko ang mga mabilis niyang yapak binuksan ko kaagad ang pinto at deretso siya sa dingding ng banyo.Hindi naman ganun kalakas ang impact niya pero medyo masakit pa rin yun. "Aray..." sabi niya at napahiga sa sahig.
"Hahahahahahaha! grabe nakakatawa yun." tawa lang talaga ako ng tawa at napansin kung hindi na siya gumagalaw. "Neil?" lumapit ako sa kanya at niyugyug ang balikat niya. "Hoy Neil gising" naku lagot! anyare! hindi naman yun ganun kalakas ah! "Hoy Neil wag OA ha! bukol lang naman ang napala mo eh. Neil" patuloy pa rin ako sa pagyugyug sa kanya. Shit! ayaw talagang gumising "Neil! shit I need to call an ambulance" patayo na sana ako ng biglang tumawa ng malakas si Neil.
"Hahahahaha! napaniwala ka ano? hahahaha!" tawa lang siya ng tawa habang nakahiga sa sahig and I just looked at him. Umupo siya ng maayos pero tawa pa rin ng tawa ang mokong.
"Akala mo ha, hinding hindi mo ako maiisahan, pero infairness lang masakit yung pagkabagok ko sa dingding ha." Lumingon siya sa akin at sa hindi malamang dahilan he looked shocked. "H-hoy Eclaire h-hindi mo naman kailangan umiyak...ahmm..joke lang yun."
Umiyak? anong ibig niyang sabihin? He gently reached out his hand and wipe away the tears from my cheeks. Shoot! umiiyak pala ako! I don't know why but when he laughed and sit up I just felt relieved that he was just okay, hindi ko naman aakalain na maiiyak ako sa tuwa.
"Ayan kasi lakas mong magtrip eh iiyak ka pala pagginagantihan." sabi ni Neil. "Well sorry na rin."
"Sorry? saan?" sabi ko at sumisinghot singhot pa.
"Sa joke ko at dun sa kanina."
"Kanina?"
"Uo, siguro nagulat ka ng paggising mo ay katabi mo na ako pero promise wala akong ginawang masama sa'yo. Promise!" sabay taas ng kanang kamay niya. Akala niya siguro na galit ako kanina dahil dun. Napangiti tuloy ako.
"Wala na yun." Tumayo na ako "Oh siya sagutin mo na si mother nature alis na ako." Lumabas ako sa banyo at humiga kaagad sa kama. Hay Neil sira-ulo ka talaga.
Mayamaya ay lumabas na si Neil sa banyo, hindi ako kumilos sa pagkahiga at pinakiramdaman ko lang siya. He just took a pillow from the bed and walked away. Hmmmm...gentleman din ang sira-ulo ha, napangiti nalang ako then drifted to sleep.
Lumipas ang ilang oras, nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Kinapakapa ko ang phone ko na sa pagkaalala ko ay nasa ibabaw bg side table. Mayamaya ay nakuha na ko siya.
"Hello...." inaantok kong sagot.
"Eclaire, darling?" sabi ng nasa kabilang linya.
"Papa, bakit po?"
"She's here..." sabi ni papa
"Sino ho?"
"Your mom,....she's back"
"What?!" sigaw ko at napatayo ako.
No! impossible! ayoko!
BINABASA MO ANG
My 18 year old wife
RomanceAnong gagawin mo kung isang araw pagsabihan ka na iikakasal kana? siyempre magugulat ka, pero mas magugulat ka kapag malaman mo na ang mapapangasawa mo ay kaka debut lang?! oh ha! Sundan natin ang buhay ni Neil Sandejas as he is about to marry an 18...