Chapter 24

9.9K 174 7
                                    

Neil's Pov

Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ako ng marinig ko ang ingay sa ibaba. Naku mukhang andito na sila, kaya agad-agad akong bumaba at ayun nga.

"Hoy Neil pare!" bati ni James

Lumapit ako sa kanila at tinignan ako ni Eclaire.

"Ahm...nag-aya silang pumunta dito, miss ka na raw nila" sabi ko

"Ahhhh...ganun ba" sabi niya

"Pwede na ba kaming pumasok?" nakangiting tanong ni Christine

"Oo naman! Pasok kayo"

Napansin ko na medyo tensyonado si Eclaire.

"Misis, may problema?" nag-aalala kong tanong

"Ah..eh..ahm...wa-wala naman may iniisip lang" at bahagya siyang ngumiti.

Pumasok na sila

"Masaya talaga ako at nakabalik kana Eclaire" sabi ni Natalie

"Ako rin" maikling sabi ni Eclaire

"Saan naman pwedeng ilagaya ang mga pagkain?" sabi ni Mark

"Ako na ang bahala diyan pare" sabi ko

"Wow! Ang bait naman! Hahaha!" asar ni James pero binatukan lang siya ni Natalie

"Hon naman"

"Tumahimik ka diyan!"

Ng nagkakasayahan kami ay biglang pumasok sina Nate at Nic.

"Mommy, daddy!" sigaw ni Nic

Kaya napalingon lahat sila at iisa lang ang ekspresyon nila, lahat nakanganga.

"Ahm..." lumapit si Eclaire sa dalawa "May kailangan kayo baby?"

"Who are they mom?" tanong ni Nate.

"Ahm...mga kaibigan namin"

"Dude, sino sila?" tanong ni James na unang nakabawi sa pagkabigla

Malapad na ngiti ang binigay ko sa kanila at lumapit ako sa mag-ina ko.

"Well guys meet my two handsome sons, Nicolas and Nathaniel" proud kong sabi

"ANO?!" sabay nilang sabi.

***********************

Pagkatapos ng insidenteng yun ay inakyat muna ni Eclaire ang dalawa para bihisan, pawisan na kasi sa kakalaro.

"Grabe pare sinong mag-aakala na may anak kana pala!" sabi ni Mark

"Oo nga, hindi lang isa kundi dalawa pa!" sabi naman ni James

"Pero infairness ang cucute nila" sabi ni Natalie

"Well...may pinagmanahan eh"

"Yabang nito!" at nagtawanan na kami maliban kay Christine na napakatahimik

"May problema ba Christine?"

"Huh?...ah..wala naman" kaila niya

"Alam ko na yan, nagtatampo ka kay Eclaire ano dahil hindi niya sinabi sa'yo" hula ni Mark

"Hi-Hindi ah!" namula siya at yumuko "Well...medyo lang naman, ewan ko ba pero parang ang lamig kasi ng pakikitungo sa akin ni Eclaire"

"Hindi naman, siguro ayaw lang talaga niyang may makaalam, kahit nga sa akin wala siyang balak ipaalam kung hindi ko lang mabuking" pag-alo ko

"Ganun ba"

"Mabuti naman at okay na kayong dalawa Neil" sabi ni Mark

"Oo nga pare, akala ko talaga habang buhay ka ng magiging masungit, it's good to have you back" James

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon