Chapter 17

9.3K 179 0
                                    

Neil's Pov

Andito ako ngayon sa Boss coffee, magkikita kami ni Christine ngayon oara planuhin kung papaano magkakausap at magkakabati ang mag-ina, hay...gusto ko talaga silang tulungan.

Tumawag ako ng waiter para umorder.

"Neil!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin.

"Christine" tumayo ako at pinaupo siya sa katapat kung upuan

"Sorry ha pinuntahan ko kasi muna ang business ko"

"Okay lang yun" tas ngumiti ako, tunawag siya ng waiter para umorder at tinitigan ko lang siya, pinakiramdaman ko ang aking sarili

"Neil? Anong nginingiti mo diyan?"

"Wala na"

"Huh? Anong wala na?"

"Ah? Ahm...wala hahaha! So anong plano natin?"

"Ay ganito ang plano"

Sinabi niya lahat, at pagkatapos ay dumating ang order namin.

"Ganun lang"

"Sigurado ka?"

"Oo, simple lang yun"

"So sa anniversary ng parents niya natin gagawin yun, baka magalit siya, alam mo na"

"Hindi yun magagalit dahil hindi naman niya naalala pa ang anniversary ng magulang niya"

"Yun na nga eh, sa sobrang galit niya kinalimutan na niya lahat ang tungkol sa mga ganyang bagay"

"Mas okay yun dahil hindi siya magsususpetsya dahil walang ibang nakakaalam doon kundi kami lang"

"Okay, so uulitin ko lang ang plano ah, sa araw na yun aayain ko si Eclaire lumabas"

"Tama! Tutal linggo naman yun eh, pagkatapos niyong magsimba"

"Okay tapos pasyal-pasyal muna kami kahit saan hanggang 3pm"

"Tumpak! Dahil ihahanda namin ang lahat sa restaurant"

"Dadalhin ko siya sa restaurant na pagmamay-ari namin"

"Oo, sasabihin mo sa kanya na doon kayo kakain at iiwan mo siya doon para magkakasarilinan siya at ang kanyang ina kasama si tito"

"Okay, madali lang yun"

"Oo naman! Kaya wag kang kabahan" natatawang sabi ni Christine

"Wag ka ngang matawa diyan hirap kaya ng sitwasyon"

Habang umiinom kami ng kape ay may napansin akong pamilyar na tao.

"Uie Mark!"

Biglang nanigas si Christine, lumapit si Mark sa amin.

"Uie Neil, at..." tumingin siya kay Christine at ngumiti "Christine"

"Ah..eh...he-hello.." umiwas siya ng tingin.

Hmmmm....ano kaya talaga ang meron sa dalawang ito?

"Ba't andito ka Mark?"

"Bibili kasi ako ng bondpaper kaya andito ako" pilosopo niyang sagot

"Ha Ha kakatawa" asar ko

"Eh walang kwenta kasi tanong mo, ano bang ginagawa sa isang coffee shop? magdadasal?"

"Oo na oo na, so may hinihintay ka?"

Bigla ulit napakislot si Christine, ano kaya problema niya...hmmm...hindi kaya

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon