Chapter 12

10.1K 224 3
                                    

Neil's Pov

Habang bumabiyahe kami pauwi napansin kong medyo tahimik si Eclaire, ano kaya problema niya?

"Ehem!" sabi ko

"....." no reaction from her.

"Eclaire? may problema ba?" tanong ko.

"....."

"Hoy..."

Wala pa rin siyang reaksyon, hmmm....maasar nga....bigla akong prumeno.

"Ah!" gulat niyang sigaw "Neil! ano kaba!" inis niyang sigaw sa akin

"Eh ikaw naman kasi hindi namamansin"

"So? wala kang karapatan na patayin ako"

"OA naman nito, patay agad agad? nagmamadali?"

"Aish! ewan ko sa'yo!" padabog niyang sabi, tsaka inirapan ako

"Ano ba kasing problema?"

"Bakit? may sinabi ba akong may problema?"

"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin?" tanong ko

"Wala nga! drive kana"

"Opo misis" at ngdrive ulit ako, at tahimik kami buong biyahe. Nakarating kami sa bahay at napansin ko ang isanh kotse medyo pamilyar nga siya eh, mukhang andito sila. Pagkatapos kong e.park ang kotse ay bumaba na kami.

Pagpasok namin sa bahay ay tama ang hinala ko.

"Neil, Eclaire" sabi ni mama.

"Ma, Pa napadaan kayo"

"Tito, tita" sabi ni Eclaire

Nakipagbeso-beso si mama at papa kay Eclaire at ng-manly-hug naman kami ni papa at I kissed my mom's cheeks.

"Ano kaba Eclaire, your my daughter na rin, call me mama" nakangiting sabi ni mama.

"Oo nga naman Eclaire" segunda ni papa.

"Ah...o-okay po m-mama at p-papa" nahihiya niyang sabi, namula pa siya hahahaha! cute niya bata talaga.

"S-sige ho aakyat muna ako" paalam ni Eclaire.

Umupo muna kami nina mama.

"So...napadaan po kayo" sabi ko

"Bakit? masama na bang bisitahin ka hijo?" tanong ni mama.

"Hindi naman ho, okay lang naman po yun" bawi ko kaagad.

"Kamusta ka naman Neil?" tanong ni papa.

"Okay lang ho" nakangiti kong sabi.

"Neil, sana hindi ka galit sa ginawa namin, it's for your own good naman" sabi ni mama.

"Ma, don't worry, hindi po ako galit, okay na po ako" sabi ko para gumaan ang pakiramdam ni mama.

"Salamat sa pagintindi hijo"

"Kamusta naman kayo?" tanong ni papa.

"Okay naman ho, nag-aaway minsan pero nagbabati naman po"

"Magaling kung ganun, ingatan mo siya Neil"

"Opo"

Mayamaya ay bumaba na si Eclaire, at lumapit sa amin.

"Gusto niyo ho ba ng merienda tita? tito?" tanong niya.

"Eclaire naman, mama at papa rememeber?" sabi ni mama.

"Ah...eh...s-sorry po m-mama " nahihiya niyang sabi.

"Hahaha! wag mo munang ipilit ma, baka hindi niya kayanin" tatawa-tawa kong sabi.

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon