Chapter 6

13.1K 258 0
                                    

"Eclaire! anong nangyari!" sabay bukas ko ng pinto ng banyo.

Lumingon si Eclaire sa akin at talagang shock na shock siya, napanganga pa nga siya eh.

"Kyaaaahhh!!!" bigla siyang sumigaw at pinagbabato ako ng mga unan at kung anu-anong mahawakan niya. "Neil walang hiya ka!"

"Aray! teka lang ano bang problema mo?" aktong lalapit sana ako ng bigla siyang tumayo at tumalikod.

"Shit Neil anong anong problema? Ikaw ang problema, ang aga-aga dinedemonyo mo ang utak ko! bumalik ka nga sa banyo at paki tago ulit yan!"

"Huh?!" nagtataka talaga ako, mayamaya rin nakaramdam ako ng lamig at doon ko naintindihan ang sinabi ni Eclaire. Shit! dali-rali akong pumasok sa loob ng banyo.

Naman Neil saan bang lupalop ng mundo umalis ang utak mo lumabas ka ng wala man lang tumatakip sa katawan mo. Talaga naman oh, I was in the middle of taking a shower when I heard her shout, sa pagmamadali ko ayun nakalimutan ko pala na hubo't hubad pa pala ako, hahay naman.

Lumipas ang ilang minuto lumabas na ako sa banyo, at paglabas ko naman nakita ko lang si Eclaire na nakatulala.

Ano na naman kaya iniisip nito? "Ehem!" Lumingon siya kaagad sa akin, wew akward why are you here? naman.

Medyo maasiwa rin naman talaga yun.

"Ahmm...ano pasensya na hindi ko yun sinasadya at..."

"Hep! tama na" namumula siya "Ok na yun wag mu ng banggitin pa yun" she sighed "Alis na diyan ako na naman ang magbabanyo."

Umalis ako sa pagharang sa banyo.

"Oo nga pala nakita mo na yung bahay na bigay sa atin ng mama mo?"

"Hindi pa eh"

"I see, well makikita din natin yun mamaya" sabi niya at pumasok na sa loob.

Lumipas ang ilang oras, bumabiyahe na kami patungo sa bahay na bigay nila mama sa amin. Nasa may isang Rosevelt subdivision yun, hindi sa same subdivision nila mama o nila tito para daw walang istorbo, well at least okay yun para kung magbangayan man kami hindi kami mahahalata hehehe.

Ilang oras din ang biyahe at finally narating din namin siya, it was a beautiful two story house well furnished na siya at kumpleto na lahat-lahat may garden pa na napaganda ng landscape at may mini waterfalls pa galing ah!

"There are four bedrooms, one is the master's bedroom, guest room at and dalawa children's room na kulay pink and blue, ang galing nga eh dahil kumpleto na rin ang mga gamit pang baby from diapers to crib. Ang ready naman.ng mama mo." sabi ni Eclaire from the stairs.

Napatingin ako sa kanya. "So ano naman kung ganun?" I asked.

"What I mean is that, ako sa master's bedroom ikaw sa guest room."

"Hiwalay tayo ng kwarto?"

Eclaire just look at me with an expression saying 'are you an idiot or what?'

"Well duhh alangan naman magkatabi tayo, ano ka sineswerte? Ayokong katabi ka noh! Baka ano pa ang gawin mo sa akin, you and your hormones."

"Hah! kahit ikaw ang kahulihulihang babae sa mundo, hindi kita gagalawin o papatulan man, Ms. Know-it-all."

"Buti naman at nagkakaintindihan tayo. So goodluck in the guestroom."

"At bakit ako sa guest room, eh mama ko ang nagbigay ng bahay na ito, ako dapat dun"

"Have you heard about the saying happy wife happy life, so you should take care of me to have a happy life because I am your wife."

"Hep! Hep hintay muna!" sigaw ko pero kumaripasa lang ng takbo ang mokong, sinundan ko siya at pumasok talaga siya agad-agad sa kwarto at ng.lock ng pinto.

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon