James' Pov
Hay....nakakabagot naman walang magawa...nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Hindi ako pumasok sa opisina ko. Duh....kaya na nila yun no, malalaki na sila hahaha!
Habang nagpagulong-gulong ako biglang tumunog cellphone ko. Kinuha ko at sinagot yun.
"Hello?"
"Hey hon" malanding sabi sa kabilang linya.
Psh! akala ko kung sino.
"Hey hon! you called?" sagot ko nalang.
"Wanna go bar hopping?" she said.
Bar hopping? na naman? kapagod nun.
"Ahm...I think I'm not into it..."
"Come on, I just wanna try the new bar that opened recently, please"
New bar?? wait parang may alam akong new bar ah.
"What's the name of the bar?"
"Crimson Bar"
Teka parang pamilyar ang name ng bar ah.
"Cge na hon, medyo kakilala ko ang may-ari ng bar eh"
"Hmmmm....anong pangalan ng owner?"
"Bakit gusto mong malaman?" nagtataka niyang tanong.
Aish! Hindi na nga ako magtatanong, malakas naman ang kutob ko na siya ang may-ari ng bar na yun, hmmmm....mukhang masaya ito ah, napangiti ako.
"Okay hon, punta tayo"
Lumipas ang ilang oras at narating na namin ang bar, anf tama nga ako ito yung bar ni Natalie.
Pumasok kami sa loob, maganda talaga ang bar, may dress code pa nga siya eh.
"Hon, doon tayo oh!" tinuro niya ang mesa na malapit sa bar counter.
"Sure" pumunta kami doon at bakita ko si Natalie, mixing up some drinks with matching flaring. Galing niya talaga, napangiti nalang ako.
"Hon, sinong tinitignan mo?"
"Ah, wala" pagdeny ko pero hindi ko pa rin maalis ang tingin kay Natalie, maganda talaga siya.
"Oh! there she is!" tinuro ng kasama ko si Natalie, pasensya na nakalimutan ko kasi ang pangalan ng babaeng kasama ko hehehe.
"Kilala mo siya?" tanong ko
"Yup! siya ang may-ari ng bar na ito, at siya pa ang bartender"
"I see, how about we say hi to her" sabi ko
"Naku hon wag na"
"Bakit naman? akala ko kilala ninyo ang isa't-isa?"
"Yeah, but by name only, hindi kami ganun ka close eh" baliwala niyang sabi.
"Well if ayaw mo, ako nalang" tumayo ako, pero hinawakan niya kaagad ang braso ko.
"Fine, fine let's go together" tumayo na siya at pinulupot ang kamay niya sa braso ko, gusto ko ngang tangalin eh baka ano pang isipin ni Natalie sa akin.
Pumunta na kami sa bar counter at napatingin kaagad si Natalie sa akin at napunta ang tingin niya sa braso ko at mukhang naging masama ang timpla niya dahil kumunot ang noo niya. Hmmm...is she jealous???
"Isang scotch sa akin" sabi ko
"Isang piña colada ang sa akin" malanding sabi ng katabi ko pero hindi pa rin tinatangal ang kamay niya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
My 18 year old wife
RomanceAnong gagawin mo kung isang araw pagsabihan ka na iikakasal kana? siyempre magugulat ka, pero mas magugulat ka kapag malaman mo na ang mapapangasawa mo ay kaka debut lang?! oh ha! Sundan natin ang buhay ni Neil Sandejas as he is about to marry an 18...