Neil's Pov
Mama niya ang babaeng ito? Ngayon ko lang ata siya nakita, at base sa mukha ni Eclaire mukhang hindi sila magkasundo ng kanyang ina.
"Ecalire!" masiglang sabi ng mama niya at linapitan sabay yakap kai Eclaire pero parang wala lang siya.
"Kamusta kana?" tanong ng mama niya
Kumalas sa yakap si Eclaire
"I was fine a minute ago, but now I'm not" she said coldly
Okay, what was that? anong problema nila?
"Ah I see" tita said "Ahm may dala akong mga regalo" she said sabay ngiti
"Okay"
"Ehem! gusto niyo ho ng kape or juice" I asked
"Ahm ka-" sabi niya pero hindi niya natapos ang sasabihin niya
"Kung wala ka ng gagawin dito pwede ka ng umalis" sabi ni Eclaire
Nagulat ako sa sinabi ni Eclaire, hello mama niya yan pero bakit siya ganyan?
"Eclaire...anak.."
"Pwede ba wala akong ganang kusapin ka, umalis kana" sabi niya sabay talikod
"Eclaire!" sigaw ko, pero hindi na niya kami nilingon umakyat na siya.
"Ahm tita pasensya na po, masama lang po talaga ang pakiramdam niya" sabi ko nalang sa mama niya
"Okay lang yun hijo alam ko hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin" malungkot na sabi ni tita
"Po?"
"Ah! wala" sabi niya tapos ngiti "Ahm aalis na lang ako, may ibang lakad pa din ako eh"
"S-sige po"
Hinatid ko na lang siya sa labas at bago siya sumakay sa sasakyan niya
"Hijo, alagaan mo sana ang anak ko, malaki ang kasalanan ko sa kanya at alam ko na nagiwan yun na malaking sugat kaya sana intindihin mo na lang siya" sabi ni tita
"Ahm...opo" sagot ko
"Salamat" ngumiti siya pero alam kong hindi siya masaya.
Sumakay siya at umalis, naiwan ako sa labas at nag-iisip ng mabuti. Marami pa siguro akong hindi nalalaman tungkol sa asawa ko, napabuntong-hininga nalang ako. Pumasok na ako sa loob, at nagpasyang magluto ng hapunan namin. Pagkatapos kong magluto ay umakyat ako para tawagin si Eclaire, ng nasa tapat na ako ng kwarto niya napansin kong nakaawang yun. Tinulak ko yun
"Eclaire?"
"....."
"Eclaire? baba na tayo kakain na" sabi ko at pumasok na ako, nakita ko siya sa may bintana naka upo lang siya doon at tumitingin sa labas. Isa yung floor to celing glass panel, linapitan ko siya at umupo na rin ako sa sa harap niya.
"Eclaire okay ka lang?"
Tumingin siya sa akin at mababakas sa kanyang mata ang sobrang lungkot, galit at....pangungulila...
"Eclaire..." kinuha ko ang kamay niya at hinawakan yun ng mahigpit
"Bakit..." sabi niya "Bakit siya andito?" naiiyak na siya "Bakit ngayon pa? ngayong okay na ako, ngayong tangap ko na" hindi na niya napigilan ang sarili niya at naglandasan na ang luha niya. "Bakit? sabihin mo sa akin Neil, bakit?"
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Wala kasi akong masabi sa kanya dahil wala naman akong alam. Minsan hindi mo kailangan may sabihin para ma.comfort ang isang tao sapat na yung makinig ka at andyan ka sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
My 18 year old wife
RomanceAnong gagawin mo kung isang araw pagsabihan ka na iikakasal kana? siyempre magugulat ka, pero mas magugulat ka kapag malaman mo na ang mapapangasawa mo ay kaka debut lang?! oh ha! Sundan natin ang buhay ni Neil Sandejas as he is about to marry an 18...