"BISKWIT!!!!!!!!!"
Haissttt,ano ba yan! Papatayin ko na talaga tong sidecar driver na toh. Ginawa ko naman lahat para magtago pero bakit ganon,ginalingan ko naman. Kailangan ko siyang harapin.
"KALBOOOO!!!!"
Hahahahaha! Kala mo ikaw lang marunong,pwes ako rin!
Well i-describe natin siya,he's kalbo,he's matanda and he's not so pangit and not so gwapo,pero duhhhh he's matanda and I don't like him,kaya until friends na lang kami.
"Biskwit bakit ngayon ka lang umuwi? Gabi na ah?" sabi niya. As always concern.
"Ahhh, marami po kasing projects at activities na ginawa namin sa school kaya ngayon lang nakauwi" sabi ko. Saktrue.
"Ahh ganon ba. Hatid na lang kita sa inyo,baka ano pang mangyari sayo sa daan"sabi niya.
Mabuting tao naman siya,kaya tinuturing ko na rin na parang tatay ko na siya. Sa katunayan niyan siya yong naghahatid sakin pauwi or papuntang school kung gabi na at wala na akong pamasahe,bait noh?!
"Ahh wala po kasi akong perang pamasahe kaya di ako makakasakay"
"Hindi okay lang,ano ka ba naman para na rin kitang anak,dali na! Sakay na baka nag aalala na yong mga magulang mo sayo"sabi niya.
Buti pa siya nag aalala pero yong totoo kong parents hindi man lang.
" Ahh sige po,salamat!"sabi ko.
"Haha wala yon biskwit,ikaw pa!"sabi niya.
Yucckknesss talaga! Alam niyo hindi talaga ako mahilig sa mga cheesy words. No choice na ako kaya go with the flow na lang. Tsaka malayo layo pa naman unti yong bahay namin,salamat talaga kay kalbo.
Ay siyanga pala! I'm HANSEL OLIVER,17 years old and a grade 12 student.
Pauwi na ang pangit na dilag sa bahay.