HANSEL'S POV*
Pagkatapos nang yakap na yon tumakbo kaagad ako. Mahirap na baka ano pa isipin non.
Nandito ako ngayon sa may mga locker kumukuha ng PE uniform ko. PE kasi namin ngayon,so kailangan kong pumunta sa gym. Makikita ko na naman si Crush ko. Yieeeee!!
Nakuha ko na yong PE ko kaya isasarado ko na locker ko. Para kasing may tao dito.
"KYAAHHHHH!! TAE KA!!!!!" napatili ako dahil sa gulat ko. Myghadddd!!! Napahawak ako sa dibdib ko.
"Bakit? Nakakagulat ba mukha ko? Ang pogi ko naman para katakutan mo." sabi niya.
Sino ba di magugulat kung pagsarado mo nang locker mo tapos may tao pa lang nakatago sa likod ng pinto ng locker mo.
"Walangya ka! Bakit ka ba sumusulpot basta basta?! Ba't di ka kumatok or nagsalita man lang?! Ginulat mo ko don! Muntik na kong atakihin sayo!" sabi ko. At ang gago nagkamot pa ng ulo,may kuto siguro toh.
"I'm sorry. Gusto ko lang naman magpasama sayo kumuha ng PE uniform alam mo naman na bago pa lang ako dito" sabi niya.
"Bakit ako? May iba naman eh" sabi ko. Ang dami namin tapos sa akin pa.
"Eh ikaw yong sinabi sakin ni sir tapos sayo lang naman ako komportable" sabi niya with a smile. Di ba toh napapagod ngumiti?
DUG*DUG*
DUG*DUG*Heto na naman siya. Napahawak agad ako sa dibdib ko. Ano ba nangyayari sakin?
"Hoy,okay ka lang?"
Ay oo nga pala andito siya.
"Ahh o-oo,t-tara na. Baka mag start na yong PE natin,malate pa tayo" sabi ko. Weird talaga,sa tuwing kasama ko tong lalaki na toh lagi na lang akong nagkakaganito.
"Malate lang pero walang tayo" sabi niya tapos tumawa. Tsk.
"Pero kung gusto mong maging tayo,pwede naman" bulong niya sa tenga ko bago naunang maglakad.
DUG*DUG*
DUG*DUG*Napatigil ako sa paglalakad ko. Andito na naman siya. Tiningnan ko yong likod niya habang palayo ng palayo sakin. Yong tiyan ko parang may kung ano don tapos mas bumilis yong tibok ng puso ko tapos parang ang init ng pisngi ko. Kailangan kong itanong toh kay bes.