TAE'S POV*
"Hanggang dito na lang ako iho"
"Ha? Pe-pero malapit na po tayo sa bahay nila. Ayan na nga ho yong gate oh" tanong ko. Pano ba naman kasi ang lapit na lang di niya pa sinagad.
"Basta dito na lang ako,hanggang dito ko lang naman talaga siya hinahatid lagi" sabi niya.
"Hays,sige po. Salamat!" sabi ko.
Kaya bumaba na ako. Buhat buhat ko pa rin ang walang malay na katawan ni Hansel. Di naman talaga siya mabigat as in.
Pagharap ko sa gate sakto lumabas yong—
"Ate! Ate!" sigaw ng babae na lumapit samin habang umiiyak. Sino ba toh? Tsaka ate? Di naman sila magkamukha. Everything is weird!
"T-teka miss,sino ka ba?" tanong ko.
"Ikaw sino ka?! Anong ginawa mo sa Ate ko?! Ha?! Bakit nagkaganyan siya?! Bakit walang malay ang Ate ko?!" tanong niya sakin. Talagang ako pa talaga ang pinagbintangan.
"T-teka lang miss. Sino ka ba? Tsaka wala akong ginawa sa ate mo. At! Ako pa ang nagligtas sa ate mo DAW. Got that!?" paliwanag ko sa kanya. Sabi nga nila wag magbibintang ng basta basta.
"S-sorry kuya. Ako pala yong nakababata niyang k-k-kapatid niya at A-ate ko siya." pagkasabi niya non bigla nalang nagbagsakan ang mga napakaraming luha niya. Ano ba yan? Ako pa nagmumukhang masama dito.
"Hoy! Ok ka lang ba? Sorry kung may nagawa akong masama at sorry kung nasigawan kita." paghihingi ko ng sorry para tumahan na siya. Nakita kong umiling siya. Tapos nagpunas ng mukha niya sabay ngiti sakin. Insane!
"Salamat kuya sa pagligtas sa Ate ko. Kala ko pa naman matapang si Ate,di naman pala. Buti na lang andyan ka kuya para sa kanya. Akin na po si Ate ,ipapasok ko na siya sa kwarto niya." sabi niya. Pagkatapos kinuha niya sakin si Hansel.
"Teka lang! Kaya mo ba? Ako na lang magbubuhat sa kanya." sabi ko. Bata kasi siya kaya baka di niya kaya.
"Hindi na po. Kaya ko na si Ate. Ang lakas ko kaya. Salamat po ulit. Huwag po kayong mag alala magiging ok rin siya bukas at sasabihin ko na ikaw ang dahilan kaya naligtas siya." sabi niya at tumalikod na.
Tiningnan ko lamang siya habang naglalakad. Kapatid? Hindi naman sila magkamukha. Pero mayron namang magkapatid na di magkamukha. Pero weird talaga. Mararamdaman mo naman na magkapatid talaga sila pero di ko yon naramadaman,baka manhid na ako. Hayst! Ginulo ko yong buhok ko sa sobrang pagkalito.
"Kuya!!!"
Napatingin ako sa sumigaw. Oh yong so-called-kapatid-ni-hansel.
"Kuya!! Boto ako sayo!!! Keep it up!!" sigaw niya sakin at pumasok na sa gate nila. What?!!! Nag-iinit pisngi ko. Kaya napahawak ako dito. Nakakabakla!!! Napahawak naman ako sa dibdib ko.
DUG*DUG*
DUG*DUG*