TAE'S POV*
"Sir tama na please!"
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nakita ko kaagad si Sir na nakapatong at tinatanggal ang uniform ni—
"HANSEL!!!!!!!" sigaw ko nang makita ko kung sino yong babae.
Linapitan ko kaagad si Brad at sinuntok ng malakas. Di pa ako nakuntento,sinuntok at pinagsisipa ko pa siya. Kulang pa yan sa ginagawa niya kay Hansel.
"Tama na!!Maawa ka!!!" pagmamakaawa niya sakin. Hayop siya.
"Bakit?! Naawa ka ba sa kanya?! Ha?! Nang sinabi niya sayo na tama na tumigil ka ba?! Ha?! Sumagot ka?!" sigaw ko sa kanya. Tiningnan ko ang kawawang Hansel. Tumulo yong luha ko.
Nilapitan ko siya.
"Huwag ka nang lalapit sa kanya. You're just her teacher and not her lover. Understand?" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.
Nilapitan ko na si Hansel at isinuot ang kanyang uniporme. Binuhat ko na siya palabas ng room. Pagkalabas ko,namroblema ako kung paano ko siya isasakay eh nakamotor lang ako.
"BISKWITTTTTT!!!"
Teka sino yon? Biglang may lumapit sa akin na isang sidecar driver.
"BISKWITT!!!"
Tatay niya siguro toh? Bakit? Kasi magkamukha sila. Ang pinagkaiba lang nila, hindi sila pareho ng kilay. Nakikita ko sa mukha niya ang grabeng pagaalala at meron ring masaya siguro dahil nakita niya ang anak niyang nakauwi na.
"Bis—Diyos ko! Anong nangyari sa kanya?! Sinong may gawa netoh sa kanya?!" tanong niya nong pagkalapit na pagkalapit niya. Tumingin siya sakin.
"Ikaw ba?! Ha?!" sigaw niya sakin.
"Hindi po! Ang totoo niyan ako po yong tumulong sa kanya. Muntik na po siyang marape ng teacher namin buti na lang hindi natuloy" pagpapaliwanag ko. Mahirap na baka ako pa maging suspek.
"Ganon ba. Nasaan na yong teacher na yan? Puntahan na—"di ko pinatuloy yong sasabihin niya.
"Huwag na po. Ang mabuti ay ligtas na inyong anak"sabi ko. Pagkasabi ko non parang nagulat siya.
"N-nagk-kakamali ka iho. Hindi ko siya anak. K-kaibigan niya lang ako." sabi niya. Ano?!
"Ha? Pero paanong—"
"Ang mabuti pa niyan ihatid na natin siya sa bahay nila. Baka nagaalala na yong mga magulang niya sa kanya." sabi niya.
Agad naman namin siyang isinakay sa sidecar niya. Kandong ko pa rin si Hansel habang natutulog. Hinawi ko ang mga hibla ng buhok niyang nakaharang sa mukha niya. Mas lalo siyang gumaganda kapag tulog siya. Buti na lang naligtas ko siya kundi baka mawala pa siya sakin.
Tinititigan kong mabuti ang mukha niya at tinititigan ko rin ang mukha nong sidecar driver. Magkamukhang magkamukha talaga sila. Pero di pala sila mag-ama.
Weird.