CHAPTER 4: ROGER

5 0 0
                                    

HANSEL'S POV*

"Ma!!! Asan na yong bike ko?!" sigaw ko kay mama.

Male-late na ako sa school,ginagamit ko kasi yong bike ko tuwing pupunta at aalis ako sa school. Di ko yon nadala kahapon kasi hinatid na kami ni papa kahapon.

"Ay,andon sa vulcanizing shop pinaayos ko,para kasing sira na yong kadena pero.......di pa naman talaga sira,hehe" sabi ni mama.

"Mama naman eh! Wala akong gagamitin papuntang school"

"Sussssss! Sumakay ka na lang kasi sa Prince Charming mong KALBO!HAHAHAHA!" sabi naman ng kapatid ko na basta basta na lang sumusulpot.

"Che! Ma alis na ako" paalam ko kay mama. Tsaka humalik na rin ako sa pisngi niya.

"Sige! Ingat!" sabi ni mama.

Kailangan kong magmadali papuntang school,may punishment pa naman pag late ka. Huhuhu nakakahiya pa naman kung ang isang top student is late.

"BISKWITTTTT!!!!!!!"

Takte naman oh! Andito na naman tong kalbo na toh.

"Huwag mong pansinin yan sel,just ignored him,okay?" bulong ko sa sarili ko.

"BISKWITTTTTT!!!!"

Biglang may humawak sa braso ko.

"Bitawan mo ko!!! Isa!!! Dalawa!!Tat—"

"Ano ka ba ate,ako lang toh. OA ka na naman. Tara na sakay na tayo kay papa." sabi ng kapatid ko.

Kapatid ko lang pala yon. Kala ko si kalbo yon. Ay siya nga pala! Roger pala yong pangalan nong sidecar driver.

Andito pala si papa. Sumakay na kami baka malate pa kami.

HEARTBEATWhere stories live. Discover now