HANSEL'S POV*
"TAO P—"
"TAO PO!!!"
Ay singit naman netoh! Sino ba toh? Tingnan nga nat—
SINGIT BOY*
Parang may nakatingin sakin. Lingon sa kaliwa.
Tama nga ako,it's a girl. Tsk alam ko naman na gwapo ako kaya huwag namang lantaran.
Manikin ba toh? Di gumagalaw,natulala siguro sa kagwapuhan ko ( hangin naman ) epal! Staring contest ata gusto netoh! Game!
Pansin ko lang ha,maganda naman siya! Mahabang pilikmata,cute rin siya,matangos ilong,medyo makapal yong kilay,reddish lips,maputi,medyo mataas,m—ay teka teka teka! Kailan pa ako naging describer. Kai—
*DUG *DUG
*DUG *DUG
*DUG *DUG(Heartbeat sound)
HANSEL'S POV*
"HOOOYYY!! BIBILI BA KAYO O MAGTITITIGAN NA LANG!!??"
"Ay pangit!" sigaw ko sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Sumakit tuloy.
"My ghaddd Ate, muntik na akong mamatay sa gulat!" sabi ko pa. Napakapit na tuloy ako sa may tindahan.
"Eh kasi naman kayo,kanina pa ako dito tapos kayo nakatunganga diyan. Ano ba bibilhin niyo?" tanong ni Ate.
"LOLLIPOP PO/LOLLIPOP ATE" sabay pa talaga. Nagkatinginan tuloy kami.
"Hahahaha pareho pala tayo ng bibilhin" sabi niya.
Mas gwapo siya pag tumatawa. Kaya etoh ako shocked face.
"Ay sorry!" sabi niya. I ignored him. Ayoko nang maulit ulit yong dati. Avoid him.
"Ate lollipop po, isang plastik" sabi ko.
Sorry but I have to change my mood. Takot talaga ako sa mga lalaki.
"Ako rin po,isang plastik ng lollipop" sabi niya.
"40 pesos isang plastik" sabi ni Ate.
Napatingin ako sa kanya,seryoso bibili siya non? Ke-lalaking tao,mahilig sa lollipops. Hay makaiwas na nga lang ng tingin.
"Mahilig ka rin pala sa lollipops, miss"
Napatingin ulit ako sa kanya. Sino ba kinakausap nito,tiningnan ko yong nasa likod ko pero wala,sa kaliwa at kanan rin pero wala,baka may nakikita siyang di ko nakikita,CREEEPY!
"Ikaw yong kinakausap ko miss" sabi niya pa. Ahhh ako—ay teka
"I'm not miss" sabi ko. Di naman kasi miss ang pangalan ko,duhhh.
"Ay sorry, ano pala pangalan mo?"sabi niya.
Hokage moves! Ewan ko sayo.
"Etoh na yong mga lollipop niyo"
Ay salamat Ate!
"Salamat ate."sabi ko with a smile. Sabay abot ko ng 40,pati rin siya.
"Buti pa yong tindera,nginitian mo" sabi niya.
Nawala agad yong ngiti ko tapos tumingin ako sa kanya. Problema netoh! Makaalis na nga lang.
Nong malayo layo na ako,bigla siyang sumigaw.
"KAYA PALA ANG SUNGIT MO! MISS MAY TAGOS KA!" sigaw niya.
Whatt!! Tiningnan ko yong short ko.
"Hala ka! Nakakahiya"sabi ko. Huhuhu may tagos ako,ba't di ako na-inform. Takbo na nga lang ako.
SINGIT BOY*
Hahaha kaya pala ang sungit. Tumakbo agad siya nong nalaman niya na may tagos siya. Syempre nakakahiya talaga yon pero buti na lang at walang tao sa labas masyado.
Bumili lang naman ako dito kasi naubos na yong lollipop ko sa imbakan ko. And yes,mahilig ako sa lollipops. Nakakatawa pero that's true.
Ano kaya pangalan non? San kaya siya nag aaral? San kaya si— Haisstt ano ba nangyayari sakin,uwi na nga lang.
DUG* DUG*
DUG* DUG*
DUG* DUG*