TAE'S POV*
"Takte naman oh! Naiwan ko yong love letter ko sa ilalim ng desk ko."
Pano pag may nakabasa non? Patay tayo diyan,mabuking pa ako netoh.
Dali dali akong tumakbo palabas tapos kinuha ko na yong susi ng motor ko. Pinaandar ko agad yong motor ko papuntang school. Sana open pa yon ngayon.
Mga ilang minuto lang nakarating rin ako sa skwelahan namin. Buti na lang at bukas pa ito. Pero wala na dito yong guard siguro natulog na.
Tumakbo ako ng mabilis papuntang room namin ng may sumigaw.
"TULONG!!! PLEASE!! TULLOONGGG!!!"
Napatingin ako sa room namin. Doon nagsimula yong sigaw. Pamilyar yong boses ng babae.
"TULLOONGGG!!!! PLEASE!!!"
HANSEL? Tama siya nga! Mabilis akong pumunta sa room namin. Pinihit ko yong doorknob kaso naka lock. Naririnig ko yong paghingi ng tulong niya habang umiiyak. Di ko na kaya.
"Hansel. Di pwede toh." Umabante muna ako tsaka ko sinipa ng malakas yong doorknob. At nasira naman etoh.