ERICA'S POV*
"SEB!!!" tawag ko kay bes ko,Hansel.
"BES!!!" tawag ko ulit.
Dedma lang ako. Ano ba nangyayari sa babae na toh. Nong isang araw pa to eh.
Kala ko lalapit siya sakin yon pala nilagpasan lang ako. Aray ha! Sakit non. Di man lang ako pinansin,kahit isang 'hi' or 'low' man lang diyan. Mamaya ka talaga saking babaita ka.
"Good morning class!" bati ni sir samin.
"Good morning sir!"bati rin namin sa kanya except bes.
Baka may problema na naman siya sa pamilya niya.
Alam niyo kasi,pansin ko lang ha,di sila magkamukha ng parents niya at kapatid niya. Actually matagal ko nang napansin yan kaso ayoko lang sabihin sa kanya baka magalit. Tsaka kahit mga other relatives nila di niya kamukha. Weird nga eh. Therefore,I concluded that she's not their real daughter and sisters.
Tsaka etoh pa,parang ayaw sa kanya ng papa niya. Parang nandidiri sa kanya,kasi sa tuwing honor yong anak niya hindi siya pumupunta or nagco-congratulate. Parang di masaya. Actually ginawa na lahat ni Bes para lang mapansin siya ng papa niya pero wa epek. Kaya nga di siya tumatanggap ng manliligaw kaya never pang na inlove yan si bes. Hays hayaan na nga lang natin. Pero may part sakin na nagsasabing totoo yan,may part rin na hindi yan totoo nababaliw ka lang. Tsk.
Pagkatapos ng PE namin. Nagpalit na kami tapos yong bruha di pa rin niya ako pinapansin. Nakakasakit na toh ng feelings ha. Pumunta siya ng garden. Malapitan nga.
" Seb!?"sigaw ko sa kanya.
"Ano ba? Bat ka sumisigaw? Ang lapit lapit mo lang sakin di ako bingi!" sabi niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Pano ba naman kasi,kanina nong tinawag kita di mo ko pinansin,dinedma mo lang ako. Ang sakit kaya non. It hurts here" sabi ko sabay turo ng hart ko at nag pout.
"Tsk baliw ka talagang babae ka,may iniisip lang ako kanina,sorry kung di kita napansin,ok?"sabi niya. Pero yong boses niya parang malungkot baka may problema na naman toh.
" Seb? Kung ano man yan pwede mo kong pagsabihan,handa akong makinig"sabi ko. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. Kinakabahan ako eh.
"Seb may sakit ako"