CHAPTER 20:CHILDHOOD

0 0 0
                                    

NESTLE'S POV*

Antagal naman umuwi ni Ate. Anong oras na oh?! Magpapatulong pa ako sa kanya sa project ko. Pati sa assignments mo ko,lalong lalo na yong math. Ayst ang bobo ko talaga don pero buti na lang may ate akong perfect. Salamat talaga sa ate kong perfect.


Andito pala ako ngayon sa may labas ng gate naghihintay kay Ate kanina pa simula nong umuwi ako galing sa school. Nakauniporme pa nga ako eh. Boring talaga pag wala si Ate,wala akong naaasar. Pero mahal ko yon,ganyan lang talaga kami laging nagaasaran,hehe.

Sila mama at papa naman parang wala lang sa kanila si Ate. Lagi siyang pinapagalitan kahit minsan ako yong may mali or kahit unting pagkakamali lang niya. Pansin ko yon simula pa nong bata ako. Lahat na kasi ginawa ni Ate para kila papa at mama,pero sasabihin lang nila "OK". Tsk.


FLASHBACK(childhood)


" Talaga ate?! Ikaw yong nanalo?!"sigaw ko sa saya.

"Oo nga kasi,ulit ulit ka naman. Baka marinig ka pa nila papa at mama" sabi niya sakin. Nagtaka naman ako.

"Ha? Ayaw mo non magiging proud sila sayo. Lalong lalo na ako." sabi ko kay Ate.

"Shhh...basta huwag kang maingay,ok?" sabi niya kaya tumango naman ako.

"Yey! I'm so proud of my Ate!"sigaw ko. Tinakpan agad ni Ate yong bibig ko.


"Bakit ang ingay dito?"


Napatingin kami sa pintuan. Si mama at papa pala. Pagkakataon ko na toh para sabihin. Andito kami sa kwarto ni Ate.


"Ahh wa—"inunahan ko na si Ate. Tumakbo ako kila papa at mama.



"Papa! Mama! Si ate nanalo sa competition nila at siya ang valedictorian sa kanilang school! Yieee!" sigaw ko. Nagbago agad ang kanilang ekspresiyon.


"Hansel huwag kang magsasalita nang kung ano ano sa kapatid mo." sabi ni papa.


"Tsaka huwag kang mangarap ng kung ano ano,masama yan" sabi naman ni mama.


"Pero ma—" di ko natuloy ang sasabihin ko.

"Shhh.. Tara na baby,matutulog na tayo."sabi ni papa at binuhat na ako.

Napatingin ako kay Ate na nakayuko. Tapos parang tumulo yong luha niya kasi pinunasan niya yong mukha niya. Tumingin siya sakin.


" Sorry ate"sabi ko sa kanya na walang boses. Nakita ko naman siyang ngumiti.

END OF FLASHBACK


"Hay" hinga ko.

Tumayo na ako at nagpasyang pumunta sa kwarto nila papa at mama. Sasabihin ko kasi na sunduin na lang sila Ate. Pero himala siguro yon.

"We keep this love in a photograph
We make this memories for our self" kanta ko habang naglalakad papuntang kwarto nila papa at mama.

Pagdating ko sa may pintuan,narinig kong naguusap sila mama. Aalis na sana ako,kaso mas pinili kong makinig para kasing may nagsasabi sakin na makinig ako kaya nakinig ako. Nagtago ako sa may likod ng pinto. Hindi naman masamang makinig diba? Haha

"Mukhang napapadalas na ang pag uwi ni Hansel ng gabi,di mo ba susunduin hon?" tanong ni mama.

"Pabayaan na natin siya. Tsaka nakakapagod kung susunduin ko pa siya,sayang lang yong gasolina ko" sabi naman ni papa.

Ayaw talaga nila kay ate. Pero bakit?!

"Pero baka napano na yong bata na yon" sabi ni mama.

Hays yan lang pala pag uusapan nila. Naku kung naririnig lang ni Ate siguro toh,iiyak na naman yon pero matapang naman daw siya,daw. Naawa na talaga ako kay Ate.

Makaalis na nga lang,baka dumating na si A—

"Ano ba?! Hindi naman natin anak yan! Kaya hindi na natin obligasyon yan. Pabayaan na lang natin yan kahit mamatay yan,ok?!" sigaw ni papa na nagpahinto sakin.

Ano?! Di ko siya totoong kapatid?! Di ko na napansin na tumatakbo na pala ako palabas at lumuluha.

"ATE!!!"









HEARTBEATWhere stories live. Discover now