CHAPTER 9: SEB

4 0 0
                                    

HANSEL'S POV*

"Seb? Tara na?"

Napatingin ako kung sino yong tumawag sakin. Si Bes pala. Hays kanina pa ako tulala kakaisip kung anong nangyayari sakin. Gutom lang siguro toh.

"Ahh sige seb" sabi ko. Tumayo na ako para pumunta na kami sa canteen.

~CANTEEN~

"Hoy kanina ka pa tahimik at tulala,anyare sayo?" sabi ng bes ko.

By the way,she's ERICA KALSADA. Bff ko since birth. Mukha siyang intsik pero wala talaga silang lahing ganon,pure siya.

Mabait,maganda,mayaman unlike us middle class lang ang antas ng buhay, matalino rin at good listener.

"Ahh wala lang toh Seb,huwag mo kong pansinin" sabi ko.

Iniisip ko lang kasi yong kanina. Bakit kaya ang lakas ng tibok ng puso ko. Dapat nga akong magpacheck-up na.

"Seb,pwede mo ba akong samahan magpa-check-up mamaya?" tanong ko.

"..."

Tiningnan lang niya ako.

"Seb?" tanong ko ulit.

"..."

Ay ang gaga,tinitingnan lang ako.

"HOY!!!" sigaw ko sa kanya sabay sampal. Haha.

"Aray! Ano ba seb?" irita niyang tanong.

"Nagtatanong kasi ako sayo kung pwede bang magpasama sayo magpacheck-up mamaya tapos dedma ka lang" pagpapaliwanag ko.

"Eh sabi mo kasi na huwag kitang papansinin,kaya di kita pinansin baka kasi may nakikita kang di tulad satin baka—" binatukan ko kaagad ang gaga.

"Anong nakikita!? Wala akong ikatlong mata,kung ano ano pinag iisip mo diyan,basta samahan mo ako ha?" sabi ko.

"Opo Ms. President, hahahaha!" sabi niya. Baliw.

Naiirita talaga ako kapag tinatawag ako niyan. Para akong totoong presidente ng pilipinas. Lahat ng studyante dito ganyan tawag sakin,minsan biskwit,minsan ma'am, minsan Fret—hays ikakain ko na lang toh.

HEARTBEATWhere stories live. Discover now