TAE'S POV*
"Uy gising na"
Sino ba tong yumuyog-yog sa—
"Uy anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya habang lumalayo. Pano kasi ang lapit lapit ng mukha niya sakin.
"Ang OA netoh,ginising ka lang para kang timang umarte." sabi niya.
"Ahh ganon ba Ms. President. Kala ko hahalikan mo—"
"Yuckkssss!! Never kong gagawin yon" sabi niya. Hahaha ang cute niya talaga pag nagsasalita.
Umupo ako sa harapan niya para mas makita ko yong hugis ng mukha niya. Nakahalumbaba siya gumaya rin ako. Nagkatagpo yong mata namin.
Tapos—DUG*DUG*
DUG*DUG*
DUG*DUG*HANSEL'S POV*
DUG*DUG*
DUG*DUG*
DUG*DUG*Heto na naman si Mr. Heartbeat. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Di naman ako nagkakaganito dati pero bakit sa tuwing nakikita ko siya nagkakaganito ako.
"A-ano ba yang ginagawa mo?" sabi ko. Takte naman oh,bakit nauutal ako.
"W-wala" sabi niya tapos ngumiti.
Aishhh etoh na naman si Mr. Heartbeat. Tumayo na ako baka ano pa mangyari sakin dito. Tatayo na sana ako kaso—hinawakan niya yong kamay ko.
"Kyahhhh!!!!!" tili ko. Kaya napabitaw siya. Tapos lumapit sakin.
"Hoy! Anong nangyayari sayo?" sabi niya.
Ayoko talaga sa mga lalaki. May phobia ako dyan.
Ewan ko kung ano yong nafeel ko nong hinawakan niya ako. Mas lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso. Tapos parang mauubusan na ako ng dugo sa katawan ko. Kailangan ko nang magpa-check-up talaga. Seb,asan ka na.
"Ewan ko sayo! Huwag mo kong susundan!" sabi ko sabay alis. Kailangan kong hanapin si—
"Ms. President! Hintay!"
Hays,sumunod talaga siya. Huhuhu lumayo ka na sakin. Pleaseee ...pero naabutan niya rin ako,kaya hinarap ko siya.
"Oh? Bakit ka umiiyak Ms. President? May nagawa ba a—" di ko na pinatapos sasabihin niya.
"P-please l-lumayo ka na sakin. Di ko alam gagawin ko,please" pagmamakaawa ko sa kanya. Dapat sana di ko na siya ginising.
"I'm sorry. Gusto ko lang naman makilala ka at gusto lang naman na maging kaibigan ka Ms. President. Di mo kasi ako kinausap nong nagkita tayo sa tindahan. Snob ka kasi"sabi niya.
Napatawa tuloy ako ng wala sa oras. Haha di naman talaga ako snob kung alam niya lang ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
"Bakit ka tumatawa?"tanong niya. Nakakatawa talaga siya. Umiling na lang ako bilang tugon pero ayaw talaga maubos ng luha ko.
May kinuha siya sa bulsa niya.
"Oh sayo na lang toh para di ka na umiyak" sabi niya sakin sabay abot ng—LOLLIPOP.
OH MY GHADDD!!!! Lollipop! My favorite. Kukunin ko na sana kaso—
"Sure ka? Ibibigay mo yan sakin?" tanong ko sabay pahid ng luha ko.
"Oo,kunin mo na baka magbago pa isip ko." sabi niya sabay ngiti. Kinuha ko naman agad.
"Yieeee!! Salamat!!" sabi ko at ewan ko kung bakit bigla ko siyang niyakap.