CHAPTER 14:QUESTIONS

0 0 0
                                    

HANSEL'S POV*

"You're inlove with him"


"You're inlove with him"


"You're inlove with him"



"Hindi pwede!!" sigaw ko.


"Ms. President, bakit?"


Ay ako na lang pala at si sir ang andito sa room. May ginagawa pa kasi ako kaya ako na lang naiwan tapos si sir naman parang may dino-drowing siya or sketch.

"A-ahhhh w-wala naman sir,sorry kung nadistorbo kita" sabi ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.


Pansin ko lang ha,naiilang talaga ako pag kasama ko si Sir. Iba yong feelings ko ngayon. Tsaka pansin ko lang parang tinititigan niya ako kanina (assuming kang babae ka) che!


Tumayo si Sir tapos lumabas.


"Lalabas muna ako may kukunin lang ako don." sabi niya. Bakit kailangan niya pang magpaalam sakin? Pwede naman siyang lumabas agad.


Magpapatuloy na sana ako kaso tumunog yong CP niya kaya pumunta ako sa table niya. Tiningnan ko yong CP niya tapos may tumatawag.


*SHAINA IS CALLING*



Sino kaya toh? Wala nang tumawag kaya umalis na ako. Aalis na sana ako kaso nakuha ng atensyon ko yong wallpaper ni Sir. Di ko makita yong mukha kasi nakaharang yong salitang "10 missed calls " kukunin ko na sana yong CP kaso may narinig akong mga yapak ng paa kaya dali-dali akong pumunta sa ginagawa ko.


Pumasok na si Sir. At umupo,nagsketch ulit siguro siya. Naghari na naman ang katahimikan.


"Ehem ehem"


Napatingin ako kay sir na tumikhim.


"Can I ask you a questions Madam Pres?" tanong ni Sir. Tumango naman ako.

"Uhmmm what is you're ideal type for a boy?"


Napa-stop ako sa ginagawa ko dahil sa tanong ni sir. Ano nga ba?


"Uhmm for me Sir, uhmmm mabait syempre,mapagmahal yong mamahalin ka ng todo at di ka iiwan,loyal, stick to one,okay lang kahit pangit basta maganda ugali at marunong umintindi,matalino,at okay lang kung mahirap basta masaya ako tuwing kasama ko siya,at most of all,MAMAHALIN NIYA AKO NG FOREVER" sabi ko with a smile. Napatawa naman siya sa sagot ko. Mas lalo siyang pumogi.



"Okay,uhmmm what if kung yong taong mahal mo may ibang gusto?"


"Uhmm para sakin,siguro magpapaubaya na lang ako kasi sabi ka nila na if you love him then let him go,kung masaya siya sa iba palayain mo dahil kung saan siya masaya don ka rin sasaya pero kailangan mong tiisin ang sakit,maybe you're not destined to each other dahil may taong para lang talaga sayo" sabi ko.


Ano ba yan? Nagiging corny na ako. Pag ibig nga naman.



"Bakit nagmahal ka na ba?"


That question made me stop again. I know hindi pa ako nagmahal. Alam yan ng buong campus.


"A-ahh hindi pa naman Sir, pero darating din yong time na yan,soon" sabi ko.

"Pero na-inlove ka na?"


DUG*DUG*
DUG*DUG*

Inlove na nga ba talaga ako?

HEARTBEATWhere stories live. Discover now