Chapter One

133 23 5
                                    

Chapter One

"Bakit mo 'ko pinapunta rito?" nakataas ang kilay na tanong sa'kin ni Mave habang paupo siya sa upuan sa harap ko. Kasalukuyan kaming nasa starbucks sa harap ng school namin. I sipped on my coffee before answering him.

"May itatanong lang ako." maikling saad ko. 

"Dalian mo, Sanchez, hindi libre ang oras ko." automatikong umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Anong akala niya sa'kin? May time para sakan'ya?

"I'll get straight to the point, did you scare my flings kaya nila ako gino-ghost?" diretsong tanong ko, saglit siyang natigilan bago tumawa nang malakas. Agad tuloy akong napatingin sa paligid dahil nakakahiya pero buti nalang ay apat lang kaming tao rito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? It's not my fault na ka-ghost ghost ka naman talaga." natatawang sabi niya. Right, bakit ba ko nag expect na makakausap ko nang ayos ang isang 'to?

"Excuse me? Hindi naman ako ang nagsabi, one of my ex-flings' friend told me." inis na sabi ko. Iniisip niya bang assuming ako? Duh. Ni hindi ko nga yan naisip until Kim told me.

"Why would you believe them? Ni hindi ko nga kilala mga nakakafling mo, eh." napaisip naman ako do'n. Tama, kila Kim lang naman ako nagsasabi about my flings and I never introduce them to public, I keep it lowkey. Siguro nga ay hindi totoo ang sinabi ng mga kaibigan ni Bryan.

Grr. Nakakahiya kay Mave! Pero okay lang, may kasalanan pa nga siya sa'kin eh.

"Whatever. Thanks for your time, I'll go." sabi ko nalang at kinuha na ang bag ko bago umalis sa lugar na 'yon. Napapikit nalang ako nang mariin pagkalabas ko roon. Maybe he's right, baka may mali talaga sa'kin  kaya nila ako iniiwan.

Actually ay wala naman akong paki kung iwan nila ko. They are just my flings and I am just having fun. I sighed before wailing a cab, wala kasing pasok sila Kuya ngayon kaya commute lang ako. 4th year moments nga naman, 3rd year palang kasi kami kaya marami pang units. Anyways, ka-age ko si Maverick kaya naman siya ang pinakabata sakanilang magttropa. Whatever. Wala naman akong paki sakan'ya.

"Mom, what is this?" tanong ko kay Mom pagkapasok ko sa kwarto nila habang hawak hawak ang dress na naabutan ko sa kama ko. I saw her putting some make up in front of her vanity mirror, she's also wearing a dress. 

"Wear that and prepare yourself, we're going to a birthday party." nakangiting sabi niya while looking at me through the mirror.

"Okay." I nodded my head and left the room. Pagkadating ko sa kwarto ko ay sinuri ko ang kabuuan ng dress. It's a simple red drape sleeve corset maxi dress, I also saw a black cone heels. 

Naligo muna ako bago nagsimulang mag ayos. And since gabi na rin naman, I'll just put a simple and light make up. Saka I bet puro business men and women ang bisita roon kaya okay lang kung magmukha akong simple.

Maya maya lang ay narinig kong tinawag na ako ni Mom kaya naman bumaba na ako. Nadatnan ko silang lahat na naghihintay sa sala, ako nalang ang kulang. Dad is wearing a simple gray suit that matched my Mom's gray halter dress. While Kuya is wearing a red polo tucked in his black pants.

"Kaya mo pala ako pinag red, Mom. Now we look like twins." I complained. Kuya just chuckled and put his arm around me.

"Perfect! Tara na." Mom exclaimed and even clapped her hands. 

The venue is not that far from our house. As soon as we get there, I am already complaining dahil sa labas palang ay kita ko na ang maraming tao. I hate crowded places. This celebrant must be famous for having this amount of visitors.

Sweet NothingWhere stories live. Discover now