Chapter Eight

62 16 0
                                    

Chapter Eight


"Para makapag beauty rest kayo before ang pageant, wala munang practice tomorrow. But make sure na maaga kayo sa Saturday para makapag practice tayo bago kayo ayusan." anunsyo sa'min nung instructor namin. I screamed internally, makakanood ako ng finals yey.


Pero wait.. if manonood ako, that means I have to give him my answer that day. Oh god. Dagdag isipin pa. Hindi ko nalang muna pinagtuunan 'yon ng pansin, nagfocus nalang ako sa practice dahil pinapractice na namin simula umpisa hanggang dulo.


Of course, kumain ako ng lunch na super pagod. Hindi ko ulit kasabay si Ethan ngayon, buti at nagsstart na siya sumama sa ibang lalaking naming kaklase na coordinator din ng pageant. At saka, kumpleto kami nila Kim, Zia, at Max ngayon. Volleyball pa raw kasi ang naglalaro sa gym at wala silang interest dito.


"Halimaw pala talaga si Mave sa court 'no?" biglang sabi ni Zia habang kumakain kami, muntik pa akong masamid nang marinig ang pangalan niya.


"Bakit naman?" tanong sakan'ya ni Max, kapwa kaming walang alam dahil wala naman kaming time para manood.


"Halos siya ang bumubuhat sa team niya, laging 3 points eh." this time ay si Kim na ang sumagot. I nodded my head internally. Kahit ako ay napapanood ko sila maglaro dati nila Kuya, he's really good at playing basketball. Tamang tama lang na sakan'ya pinasa ang pagiging team captain.


Pagkatapos namin kumain ay bumalik na rin kami sa auditorium ni Max. Pagkabalik namin ay naabutan ko si Ethan na mukhang may hinihintay. Agad niya akong tinawag nang makita niya ang pagpasok namin ni Max sa auditorium. Ako pala ang hinihintay niya.


"Uy, Ethan, kumain ka na?" tanong ko pagkalapit ko sakan'ya.


"Yes, I did. Here," nakangiting inabot niya sa'kin ang isang box ng takoyaki.


"Huh? Para sa'kin?" naguguluhang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.


"Yeah. I remember you told me that you like takoyaki and you have been craving for it." he explained. I smiled before nodding my head in afformation, but that was 1 week ago, sisig ni Ate Julie na ang kinecrave ko.


"Thank you, Ethan. Let's eat this together after practice?" I asked.


"It's already cold by that time, though. How about... let's eat it at your place? I miss Tita Cha, too." natigilan naman ako sa sinabi niya.


He's close to my Mom but I never bring him to our home because of Dad. But I guess, it's okay? I'll just explain it to Dad that I'm already comfortable around Ethan.


"Sure." pagtango ko, he looked extra happier. It's his first time visiting our house.


"Ehem. Baka pwede na po tayong mag-start, ano? Hirap talaga pag napapaligiran ng mag-jowa." rinig kong sabi ng instructor namin na nagpapula ng mukha ko. Tatanggi sana ako pero hinila na ako ng natatawang si Ethan sa stage. Hinayaan ko nalang, alam ko namang nagbibiro lang sila.

Sweet NothingWhere stories live. Discover now