Chapter Seven
"Late ka na, magsstart na ata sila." bungad sa'kin ni Max pagkakita namin sa may gate, isa kasi siya sa mga coordinator ng pageant kaya makakasama ko siya the whole practice. Speaking of, na-mention ko na bang ako ang napili ng department namin na candidate sa Mr. and Ms. DLSU? Well, you read it right.
Me and Ethan won the votings I never wanted. I tried backing out pero pinakiusapan ako ng blockmates ko na i-go ko na since we need to win for the incentives. Medyo hindi kasi maayos ang kalagayan ng major courses namin kaya papatusin na namin yung incentives.
"Sorry na, haba ng traffic ngayon." dahilan ko. It's our 2nd day of practice, ngayon ata ituturo sa'min yung intermission number ng mga contestants. Kahapon kasi ay yung rampa lang.
"Oo nga pala, bakit bigla kang umuwi nung monday? Ngayon ko lang naalalang tatanungin kita about that." biglang tanong niya at halos masamid naman ako sa sarili kong laway.
Don't worry, it's you, the person I only liked and I still like in my lifetime.
Napapikit ako ng mariin nang maalala ko na naman yung sinabi ni Mave nung araw na 'yon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko no'n kaya tumakbo ako paalis at umuwi ng bahay. I even took a grab that day para lang makauwi agad. Kahapon naman ay iniiwasan kong makita siya, which is buti nalang at hindi ko siya nakita miski ang anino niya. But I can't hide from him forever.
"Huy, Cassie." nawala na naman ako sa sarili ko.
"Uh, ano, family matters. Dad needs to fly to States for our growing company there, kaya umuwi ako para magpaalam sakan'ya." pagdadahilan ko, I didn't lie though. Saktong nasa grab ako pauwi nung nagtext si Mom if pwede akong umuwi to bid my goodbye to my Dad.
"Ah, that's why. Sige ako na bahala magsabi sakanila Zia at Kim." nakangiting sabi niya.
Nang makarating kami sa Auditorium na pinagppractice-an namin ay halos kumpleto na pala lahat ng contestants. Hinanap ng mata ko si Ethan which is nakita ko agad kasi kumakaway siya sa'kin. I chuckled before walking towards him.
"Keith, have you eaten your breakfast? I brought a sandwich, you can have it." nakangiting tanong niya sa'kin, agad naman akong tumango sakan'ya.
"I had breakfast, don't worry." I said and he just nodded his head. We waited for a few minutes bago kami nagstart. Buti nalang at madali lang yung sasayawin namin since hindi talaga ako tinubuan ng lambot ng katawan.
There are some part na sasayaw kami with our partners kaya buti nalang talaga at si Ethan ang partner ako, at least I am comfortable around him.
"Lunch muna, guys! Balik kayo ng 1pm." sabi ng dance instructor namin. Agad akong tumakbo sa kinalalagyan ng bago ko bago nagpunas ng pawis. Ang init dito sa auditorium kaya kahit hindi nakakapagod yung sayaw ay pawis na pawis parin kami.
"Keith, let's eat together." nakangiting aya sa'kin ni Ethan na agad kong sinang-ayunan.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Teen FictionWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.