Chapter Ten
Mula sa labas ay rinig na rinig na namin agad ang ingay na nagmumula sa club na pupuntahan namin. Kasama ko ngayon si Kuya at Kim, si Zia at Max naman ay susunod raw. Buti nga at nakasama na sa'min si Max, hindi ko alam kung ano ang pinagkakabusyhan niya. Hindi naman siya nagsasabi sa'min.
Hindi man halata pero si Max talaga ang pinaka best friend ko, habang si Kim at Zia naman ang mas best friend. Bukod sa mas una kaming nagkakilala ni Max, ako ang mas nakakaintindi sakan'ya. We used to be neighbors kaya alam ko ang mga pinagdadaanan niya sa bahay nila.
Pumasok na kami sa loob ng club habang hawak hawak ni Kuya ang kamay ko, takot na takot na mawala ako. Not like this is my first time clubbing, ilang beses na rin kaming nag-club sa tuwing nag-aaya si Kim. Siya kasi ang pala-club sa'min, kaya rin siya naging social butterfly, eh. Kagaya ngayon, papasok palang kami pero ang dami na niyang binabati.
Nang makadaan kami sa masikip na part ay binitawan na rin ako ni Kuya pero patuloy kaming sumusunod sakan'ya ni Kim. Karamihan sa mga nakikita ko ay mga civil engineering, kaya pala ang daming kakilala ni Kim, habang ang iba naman ay kung hindi galing sa ibang program ay galing naman sa ibang school.
Nasa malayo palang kami pero natatanaw ko na kung saan kami papunta, papunta pala kami sa table ng mga kaibigan ni Kuya.
"Yun, bro, nakaattend na rin ang lawyer natin." pang-aasar ng mga kaibigan ni Kuya sakan'ya pagkarating namin sa table ng mga 'to.
"Mga siraulo."
"Hi, Cassie. Hi, Kim." bati ng mga ito sa'min, ngumiti lang ako sakanila. Umupo na kami sa couch, malaki naman ito at good for 12 person siguro 'to. Nasa lima lang naman ang mga kaibigan ni Kuya kaya kasya pa kami nila Max dito.
Right, lima. Nasaan na ba si Mave? Bakit hindi ko siya makita.
"Nasaan na si Mave?" tila nabasa ata ni Kuya ang nasa isip ko nang bigla niya 'yong itanong sa mga kaibigan niya.
"Sinusundo si Mika sa entrance, ah? Hindi niyo ba nakita?" agad na nagpintig ang tenga ko nang marinig ko 'yon.
"Ah, hindi ko nakita." tipid na sagot ni Kuya bago uminom sa shot glass na nasa harap niya. They offered drinks to us, kumuha lang ako ng beer habang si Kim naman ay umorder ng cocktail sa counter. Naiwan tuloy akong mag-isa kasama ang mga kaibigan ni Kuya.
Kinakausap naman nila ako pero feeling ko ay lasing na agad ako dahil wala ako sa tamang huwisyo. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino si Mika. Tangina naman.
"Tagal mo, Mave. Saang entrance mo ba sinundo 'yan?" busy ako magphone nang marinig ko iyon mula kay Carl, isa sa mga tropa nila. Nabalot ako ng kaba nang marinig ko ang pangalan niya, mula sa pwesto ay naaamoy ko na agad ang perfume niya. I didn't look at him, nagpanggap akong hindi apektado sa pagdating niya.
"Tanga kasi, sa kabilang club pala nagpababa sa taxi." rinig kong reklamo ni Mave.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Ficção AdolescenteWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.