Chapter Eleven

49 14 9
                                    

Chapter Eleven


My head fucking hurts.


Ilang beses ko na atang pinupukpok ang ulo ko sa dining table namin, kanina pa'ko sinusuway ni Kuya na kasalukuyang kumakain. 5am palang ng umaga at may practice kami mamayang 8am pero halos hindi ko maimulat ang mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko.


"Ayan, inom pa." pang-aasar sa'kin ni Kuya, inirapan ko lang siya. Siya nga itong nagdala sa'kin do'n, eh.


"Kuya, anong oras tayo nakauwi kagabi?" tanong ko kay Kuya, natigilan naman siya sa pagnguya at kunot noo akong tinignan.


"Hindi naman tayo sabay, pabalik na'ko sa club nung nagtext si Mave na ihahatid ka na raw niya, eh." he shrugged. Huh? Hinatid ako ni Mave?


"Wala akong maalala." inis na sabi ko at pinukpok ulit ang ulo ko sa lamesa.


"Kumain ka na nga, may morning practice pa kayo." oo nga pala, ngayon na yung pageant haha. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang iniisip na ngayon na yung pageant. Kinakabahan parin talaga ako. What if matapilok ako habang naglalakad? Ipapakulam ko talaga lahat ng nagvote sa'kin.


Kumain na'ko at naligo kahit na labag sa loob ko. Kahit na nilalamig ako ay naligo parin ako sa malamig na tubig para naman mawala ng konti ang hangover ko.


7am nung inihatid ako ni Kuya sa school, medyo maaga pa kaya sa library muna ako dumiretso para matulog saglit. Sinet ko na rin ang alarm ko para hindi ako mag oversleep. Pero siguro ay may nadaanan kaming itim na pusa ni Kuya kanina papasok. Hindi ako nagising sa alarm ko!


Nakaset lang kasi 'to sa vibrate since bawal ang maingay sa library. Ayoko na naiiyak na talaga ako. 9am na at tumatakbo ako ngayon papuntang auditorium habang bitbit ang pouch ko na may laman na make up, nagpresinta kasi akong ako na ang magmmake up sa sarili ko, since sa sariling make up ko lang ako nagtitiwala.


Ang mga susuotin ko naman para mamaya sa pageant ay iniwan ko na sa magsisilbi naming dressing room mamaya, ang weird naman kung dadalhin ko yun sa library.


Nang makarating ako sa auditorium ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa sila nagsisimula. Lumapit naman agad sa'kin si Max at inabutan ako ng tubig.


"Cass, ba't ngayon ka lang?" tanong niya sa'kin habang umiinom ako ng tubig, pagkatapos ko uminom ay agad ko siyang sinagot.


"Natulog ako sa library, sobrang sakit ng ulo ko kanina." hinihingal parin na sagot ko rito. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa stage. Inexplain din sa'kin ni Max na wala pa raw ang instructor namin dahil natraffic ito. 


"Okay ka na ba ngayon?" tanong niya at tumango lang ako. Bigla tuloy nagflash in sa utak ko yung ginawang pagbuhat ni Kuya sakan'ya kagabi. Sure akong magagalit siya pag sinabi ko yun, pero sasabihin ko na rin dahil ayokong may tinatagong sikreto sakan'ya.


"Max, oo nga pala, naaalala mo ba yung nangyari kagabi?" tanong ko dito, natigilan naman siya saglit pero agad siyang umiling.

Sweet NothingWhere stories live. Discover now