Chapter Five
"Wala na talagang need bilhin? Sure ka, ah? Sige punta na'ko d'yan." hinintay ko lang si Zia matapos sa pakikipag usap sa clubmate niyang nagvolunteer din mag-ayos ng stalls. Kasalukuyan kaming nasa mall para bumili ng materials na gagamitin sa booth.
"Tara, punta na tayo sa school." aya niya sa'kin at bumalik na nga kami sa school. It's sunday, and just like what I promised to Zia, sumama ako sakan'ya sa pagtulong na magtayo ng stalls. May advantage na rin 'to para sa club namin kasi makakapili ako ng magandang stall for us.
Sa gilid ng open ground namin itatayo ang stalls since sa gitna ng ground naman itatayo ang malaking stage kung saan gaganapin ang Ms. and Mr. DLSU pati na rin ang live band. We'll be having 15 stalls din kaya kailangan talaga ng maraming volunteers, buti nalang at marami raw volunteers ayon kay Zia.
Pagkadating namin sa meeting place ay nagsisimula na mag-ayos ang iba naming makakasama. There are around 12 people here including us, incomplete pa ata kasi ang alam ko 20+ kaming volunteers.
"Wala pa 'yung iba?" tanong ni Zia at tumango naman ang ilang nakarinig. Ang iba sakanila ay familiar sa akin, habang ang iba naman ay hindi.
"Hi, Cassie. Nag-volunteer ka rin pala." bati sa akin ni Karla, isa sa mga volunteers, ka-club ko siya by the way.
"Yeah. I wouldn't want to get stucked at home." I shrugged and she agreed.
Nag-start na kaming tumulong ni Zia sakanila, naka-assign kami sa pag-aayos ng table since eto na ang pinakamagaang gawain para sa'ming mga girls. Alas dies na at nagsisimula na rin kaming madagdagan, nasa 18 na kami ngayon at apat nalang daw ang hinihintay.
"Oh, andito na pala ang mga VIP." rinig kong sabi ni Samuel, siya ang namamahala sa'min. Tumingin ako sa kausap niya habang nag-aayos ng table, curious din ako kung sino pa ang makakasama namin.
"Sorry na, pre, traffic." nanlaki ang mata ko nang makitang si Mave at ang kanyang tatlong kaibigan pala ang tinutukoy ni Samuel.
"Oo na. Tumulong na kayo, sayang ang oras." sabi ni Samuel, natatawa namang nakipag fist bump sakan'ya si Mave. Nakatingin lang ako sakanya nang magawi sa'kin ang tingin niya. Nagulat ako at madaling nag-iwas ng tingin.
May nililigawan na siya, kailangan ko nang umiwas sakan'ya. I know na puro lang naman pag-aaway ang ginagawa namin, pero that doesn't count para hindi ako umiwas sakan'ya. Some people still thinks na we like each other dahil sa pagbabangayan namin.
Buti nalang at mukhang wala ring paki sa'kin si Mave dahil hindi na niya ako kinausap o nilapitan manlang. But I guess, that's... better.
"Huy. Are you okay?" bumalik ako sa huwisyo nang tapikin ako ni Zia.
"Huh? O-Oo naman, bakit?" nauutal na sabi ko.
"You're spacing out." sabi niya. Kumunot ang noo ko bago inabot ang bote ng tubig sa gilid ko.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Teen FictionWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.