Chapter Nine
"Bakit naman naka-jacket ka? Ang init init kaya." bungad sa'kin ni Kim pagkababa ko ng taxi, pinanindigan ko talaga ang pagtatampo ko kay Kuya kaya hindi ko siya ginising para magpahatid.
"Baka lamigin ako mamaya sa loob ng gym." sagot ko, naka aircon kasi ang gymnasium kapag ganitong may intrams, buti nalang at may naidahilan ako.
Umagree naman sila sa sinabi ko kaya pumasok na kami sa loob. Tinanong ko pa sila kung nasaan si Max pero hindi raw ito makakapunta dahil may importante itong inaasikaso.
"Bakit ba kasama ka pa sa'min, Kim? Diba magkalaban tayo?" pansin ni Zia nang makapasok kami sa gym. Natawa kaming dalawa ni Zia, habang pabiro siyang hinampas ni Kim.
"Oo nga pala, kalaban nga pala kayo. Sige na, hahanap ako ng kakampi ko." paalam nito at pinagtabuyan kaming dalawa. Humanap na kami ni Zia ng upuan at napili naming umupo sa 3rd row, hindi mas'yadong malapit sa court para iwas din sa tama ng bola. Although, kitang kita naman mula sa pwesto namin yung court.
Kakaunti palang ang mga estudyante, siguro kasi maaga kami ng isang oras at kalahati sa game. Kaya naman nagkwentuhan muna kami ni Zia about sa nag-iiwan ng ensaymada sa locker niya. Isang buwan na rin kasing may nag-iiwan ng ensaymada sa locker ni Zia at hindi namin malaman kung sino. Hindi naman niya ito kinakain dahil baka raw malason siya kaya sa kakambal niya ito pinapakain, si Zion na taga Adamson.
Maya maya lang ay napansin naming halos mapuno na ang bawat bleachers, 30 minutes nalang pala bago magsimula yung game.
"Buti nalang talaga maaga tayo nakapunta, kundi banner lang mapapanood natin sa 5th row." natatawang sabi ni Zia na sinang-ayunan ko. May mga dalang banner kasi yung mga ka-row namin kaya naman nagrereklamo ang mga nasa tuktok kesyo wala na raw silang makita.
Tumigil na'ko sa pagpphone nang magsalita na ang host sa gitna ng auditorium, ipapakilala na pala yung players.
"For the College of Business, please welcome, COB Generals!" pagpapakilala nung host sa team namin, nakisali naman kami ni Zia sa cheer ng mga ka-program namin.
"And for the College of Engineering, the Intramurals 2022 reigning champion please welcome, COE Fighters!" I screamed internally habang pinapanood ang team nila Mave na maglakad papunta sa gitna ng court. Napansin kong parang may hinahanap si Mave sa crowd, baka isa sa mga tropa niya.
Tumigil lang ang pag-ikot niya ng paningin niya nang magtama ang mga paningin niya. Ngumiti siya ng malawak bago kumaway sa'kin, nagulat naman ako dahil sa bleachers ng COB siya kumaway which is kalaban ng team niya. Hay nako.
Ngumiti nalang ako pabalik and I mouthed 'good luck'.
"Taksil ka." bulong sa'kin ni Zia na nagpatawa sa'kin. Napansin niya pala ang ngitian namin ni Mave.
"Sabi ko kasi sakan'ya na papanoorin ko siyang madurog ng COB." pagdadahilan ko at mukha namang naniwala siya.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Teen FictionWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.