Chapter Four
"Keith, can you check this?" napatigil ako sa pagsusulat sa papel ko at sinuri ang papel na inabot ni Ethan.
It's been one week simula nung pumasok si Ethan dito sa school namin, at sa loob ng one week na 'yon ay lagi rin kaming magkasama. Nasa kalagitnaan kami ng mid terms ngayon, si Ethan ay hindi muna makakapag exam dahil nga sa need pa niya habulin mula pre lims kaya naman ngayon ay tinutulungan ko siyang mag-aral ng past lessons namin.
We became closer din, tignan mo nga may nickname na agad sa'kin. And gaya nga ng ineexpect ko, naging comfortable ako pag kasama ko si Ethan. Sobrang bait niya and he would always respect my time. Kapag alam niyang busy ako, hindi niya ako guguluhin hanggang maging free na ulit ako. Kaya ngayon ay ako ang nag-insist na sabay kaming mag aral.
"Hmm, tama naman, pero hindi mo pa 'to nababalance oh." sabi ko at tinuturo sakan'ya ang mali niya.
Hindi rin naman ako nahirapan sa pagkausap sakan'ya dahil nakakaintindi siya ng Tagalog, pero meron paring ibang tagalog words na hindi niya pa alam kaya itinuturo ko 'yon sakan'ya.
"Oh shit, right, I forgot about that." napatampal nalang siya sa noo niya nang marealize na may nakalimutan siya kaya bahagya akong natawa.
"Okay lang 'yan, you did well. Ngayon mo lang inaral 'to pero nagets mo agad. Alam mo ba inabot ako ng ilang days para magets 'yan." pagkkwento ko at nanlaki ang mga mata niya.
"Really? That's easy, though." mayabang na sabi niya habang inosenteng nakatingin sa papel niya. Mahina ko siyang hinampas sa braso dahil sa sinabi niya, habang natawa naman siya.
"Yabang naman." natatawang sabi ko. "Anyways, mamaya mo na ituloy 'yan. Kain muna tayo lunch." dagdag ko at sinimulan nang ayusin ang mga gamit ko.
Nang matapos kami sa pag aayos ng gamit namin ay inilagay muna namin 'yon sa locker namin bago kami lumabas ng school. "You should invite your friends, too." sabi ni Ethan habang naglalakad kami palabas ng school.
"Oo nga pala. Sige i-message ko sila tapos pasunurin ko nalang." sabi ko at inilabas ang phone ko para magtipa ng message para kila Kim. "By the way, saan mo gusto kumain?" tanong ko.
Sa tuwing magkasabay kasi kami maglunch ni Ethan ay hinahayaan ko siyang mamili ng restaurant na kakainan namin since gusto rin naman niyang iexplore lahat ng Filipino foods. Halos lahat nga ng restaurant around taft ay nakainan na namin.
"Do you know any place where we can eat Thai food?" pabalik na tanong niya. Agad naman akong tumango. There's this Thai restaurant na pinakilala sa'kin ni Kuya dati, he's also a fan of Thai foods.
"Meron, tara malapit lang 'yon dito." nakangiting sabi ko at nauna na maglakad. Paliko na sana ako nang bigla akong hinila ni Ethan, hindi ko napansin ang nagmamadaling ambulansya. Napalingon naman ako kay Ethan na halata ang pag aalala sa mukha.
"Are you okay? You should be careful." sabi niya bago ako inilagay sa left side niya which is hindi sa tabi ng daan. Wow sidewalk rule.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Novela JuvenilWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.