Chapter Two
"PE na naman." reklamo ni Zia habang nagpapalit kami ng PE uniform sa locker ng girls. PE kasi ang pinakahate naming klase, bukod sa hindi ito connected sa course namin, tamad din magturo ang prof namin dito. Madalas kaming gumawa ng physical activities sa klase niya.
Classmates kami ni Zia dahil same rin kami ng course, which is Business Ad, habang si Kim naman ay Civil Engineering at si Maxine ay Accounting.
"Volleyball daw ata tayo ngayon kaya sa gymnasium tayo." sabi ko, tapos na'ko magpalit ng damit at shorts kaya umupo na ako para magsapatos.
"Sa pagkakaalam ko collab daw PE natin ngayon, meaning, may kasama tayong ibang program." saad ni Zia. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"So, may possibility na kalabanin natin sa volleyball yung kabilang section?" tanong ko, tumango naman siya. "Nakakahiya, buti nalang marunong ako mag volleyball."
Pagkatapos namin mag ayos ay sumunod na kami sa mga kaklase namin sa covered court. Tama nga ang source ni Zia dahil maraming tao sa covered court kahit na 30 lang naman kami sa klase.
"Cassie! Zia!" napalingon kami ni Zia nang may tumawag sa'min, nakita namin si Kim na kumakaway mula sa malayo. Kumaway kami pabalik at tumakbo papunta sakaniya.
Wait, section nila Kim yung kacollab namin? Ibig sabihin andito rin si--
"Sanchez." napatigil ako sa pagtakbo nang may tumawag sa'kin, nakita ko si Mave na preskong nakaupo sa bleachers. Kung minamalas ka nga naman, magkaklase si Kim at Mave kaya naman kung andito ang section nila Kim, edi andito rin 'tong kumag na 'to.
Napairap nalang ako bago patuloy na tumakbo palapit kila Kim. Nag usap lang kaming tatlo hangga't hindi pa dumadating si Sir Castillo, our PE professor. Nang dumating si sir ay pumunta na kami sa sarili naming section.
"At dahil collab ang PE natin ngayon, you'll play against each other. Hanggang 20 lang ang points, kung sino ang manalong team ay makakakuha ng points. At kung sino namang section ang maraming panalo ay exempted sa midterms practical exam." pag explain sa'min ni Sir Castillo, agad na nagbulungan ang mga kaklase ko.
Maganda rin yung benefits pag maraming points yung section, ang exam kasi ni Sir ay parang ganito lang din, maglalaro individually. Syempre nakakapagod mag practice ng sport while nagrereview kaya mas maganda kung exempted ka sa exam niya, bawas isipin.
Sinabihan kami ni sir na gumawa ng 5 groups with 6 members each, nagkanya kanyang group nalang kami para hindi hassle. Ang kagroup ko ay si Zia, Ashton, Mika, Kyle, at Mark. Buti nalang at tatlo ang lalaki sa group namin, malakas kasi pumalo ang mga lalaki. Pinapili rin kami ni Sir kung pang ilan kami sa maglalaro habang ako ay tahimik na nagdarasal na hindi ko makatapat sa laro si Mave. Aasarin niya lang ako during the game.
Pangatlong group kami sa maglalaro, ang unang team na maglalaro ay pumwesto na sa gitna habang umupo kami sa bleachers para manood. Wala akong kilala sa team ng kabilang section. Biglang napabaling ang tingin ko sa kabilang section, magkagroup pala si Kim at Mave. Well they are kinda close, nag uusap sila minsan pag nagkakasalubong kami.
Pangalawang set na at hindi pa rin naglalaro ang group nila Kim kaya mas kinakabahan ako, imposible namang maging pangatlo rin sila, right? Argh. Nakakainis.
"Group 3, please be ready." announce ni Sir, tumayo na kami ng mga kagrupo ko at nag stretching. Habang nagsstretching ay napatingin ako sa kabilang section, nanlaki ang mata ko nang makitang nakatayo rin sila Kim habang nagsstretching. Nakita ko pang nakatingin sa'kin ang bwiset na Maverick habang nakangisi.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Fiksi RemajaWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.