Chapter Six

63 17 0
                                    

Chapter Six


"Cassie, vote na rin kayo para sa representative natin for Mr. and Ms. DLSU." nakabantay ako ngayon sa stall namin nang lumapit sa akin ang blockmate kong si Jenna. Oo nga pala, gaganapin sa last day ng foundation week, which is sa Sunday, ang Mr. and Ms. DLSU pero ngayon lang nila naisip maghanap ng representatives. Magagahol kami sa oras nito.


Inabot sa akin ni Jenna ang kapirasong papel at ballpen, kinuha ko 'yon at sinulat ang boto ko. Si Crystal at Jeremy ang binoto ko since sila ang most attractive sa program namin para sa'kin.


"Balita ko marami raw bumoto sainyo ni Ethan, sana kayo nalang manalo, beauty and brains ba." natatawang sabi niya na inilingan ko naman.


"Wag na 'no, never ko nakahiligan ang pageant." natatawang iling ko.


"Sige, una na'ko, Cass. Mamaya iaannounce sa gc 'yung maraming votes, stay tuned." paalam niya, nginitian ko lang siya at kinawayan. 


Alas nuebe na ng umaga at halos kakatapos lang din naming mag-bake ng mga clubmates ko. Sa pagbabantay naman ng stall ay salit salitan kami by batch. Pinili kong maaga magbantay ng stall namin para hindi mas'yadong mainit, at para na rin makapag-ikot ako mamaya sa ibang booths.


"Cassie!" busy ako sa pakikipag-usap kay Karla nang may tumawag sa pangalan ko, si Zia pala, na may hawak na camera. "Picture, dali! 1.. 2.. 3.. smile!" nakangiti siyang lumapit sa'min after niya kaming picturan.


"Oh, bakit ang saya mo d'yan?" takhang tanong ko, ngumingiti naman 'tong si Zia pero iba 'yung ngiti niya ngayon, eh.


"Wala wala. Uy, egg pie." nagliwanag ang mukha niya nang makita ang egg pie sa isa sa mga goods namin.


"I suggested and baked that for you. Libre kita." I said while smiling bago siya ikinuha ng egg pie.


"Yiee. Sabi ko na, ako talaga favorite mo." kinikilig na sabi niya at pabiro pang hinahampas ang braso ko.


"Hoy, ano 'yan? Sinong favorite? Andito na ang totoong favorite." biglang sulpot ni Kim kung saan, kasama si Max. Nasa iisang club nga pala silang dalawa which is Literary club.


"Kami? Wala?" malungkot kunwaring sabi ni Kim habang si Max naman ay natatawa lang. Tumayo ako at kumuha ng dalawang egg pie para sa kanilang dalawa.


"Oh. 30 pesos each lang." I joked before handing them the egg pies. They waited for me to finish my time of duty since magiikot daw kami sa mga stalls.


When I finished my duty, hinintay lang namin ni Karla ang papalit sa'min bago kami umalis sa booth. Una naming pinuntahan ang freedom wall wherein you can post a sticky note sa wall then anyone can read it. 


"Tara, sulat tayo." aya ni Kim at isa isa kaming binigyan ng sticky note. Ilang segundo pa'ko nag-isip ng isusulat ko since I have nothing in my mind right now. So I tried searching the whole place to look for motivation until my eyes landed on Mave who's busy taking photos. Photography club nga pala siya. Wait, I have an idea.

Sweet NothingWhere stories live. Discover now