Chapter Thirteen
Time flies so fast. Kakatapos lang ng finals namin kaya sem break na.
"Cass, where do you want to celebrate your sem break?" tanong ni Mom, we're having our dinner and as usual, kaming tatlo lang since nasa States pa si Dad.
"It doesn't need to be celebrated, Mom. I'll just take a rest here." I shrugged.
"Mabobored ka lang dito sa bahay since 1 month sem break niyo. CK, samahan mo si Cassie, magbakasyon kayo." sabi niya sabay baling kay Kuya na tahimik lang ngayon na kumakain. He wiped his mouth before answering Mom.
"Sure, Mom. I'll bring my friends with me, okay lang ba?" tanong niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya nakatingin sa'kin. Palibhasa binigyan din sila ng break sa pinag-ojt-han niya eh.
"Go lang, basta bantayan mo ang kapatid mo. You too, Cassie, bring your friends with you. Saang rest house niyo ba gusto pumunta? Sa Cebu? Palawan? Siargao? or sa Baguio?" sunod sunod na tanong nito. Binalingan ako ni Kuya, raising his left eyebrow to let me choose.
"Can we just stay sa Batangas?" tanong ko, kaya saglit silang nagkatinginan ni Kuya. Maybe because they expect me to choose somewhere far away but I chose a place na 6 hours away lang mula sa amin.
"Batangas? It's too malapit, anak. You know what, sa States nalang kayo magbakas--" Mom said wich I immediately cut off.
"Mom, ayoko po ng malayo. Plus, isang beses palang ako nakakapunta sa rest house natin sa Batangas." I said, wala na siyang nagawa kundi bumuntong hininga at tumango.
"Batangas it is." she surrendered. "But, bring Ethan with you." dagdag niya pa, I just nodded my head since close naman na kami ni Ethan. Hindi lang kami nakakapag usap masyado these days dahil busy, pero I'm glad dahil hindi siya naging uncomfy sa'kin after seeing us in that position.
After having our dinner, I immediately informed my friends, pati si Mave na kasalukuyan kong ka-video call ngayon. Sure naman akong kasama siya sa 'friends' na isasama ni Kuya.
3 months ago na rin when I confessed to him na mahal ko siya, after that, naging showy na kami sa mga kaibigan namin. Although, hindi naman sila nagtatanong pa dahil obvious naman. Pati rin ata si Kuya ay nakakapansin na, hindi na kasi ako nagpapahatid sundo sakan'ya, kay Mave na.
Sa loob ng 3 months, napag-usapan namin ni Mave that we should stay friends muna before kami maging official. He asked to court me pa but I said na hindi na kailangan no'n lalo na't aware naman kaming gusto namin ang isa't isa, but he still insisted, liligawan niya na raw ako habang friends palang kami. Kulit talaga.
Napagkasunduan naming umalis ng Wednesday para hindi masyadong traffic. Sampu kami lahat kaya naman sa 13-seater na van namin kami sumakay, si Kuya na ang nagvolunteer magdrive para raw hindi na kami mang abala ng drivers namin.
"Ayoko sa unahan, sa likod na'ko, pre." parang batang pagmamaktol ni Mave habang hinihila siya ni Kuya papasok sa shotgun seat ng van.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Teen FictionWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.