Chapter Three
"Oh, eto na." I smiled sweetly bago kinuha ang pagkain na dala ni Mave. Chineck ko kung tama ang binili niyang pagkain which is tapsilog. After no'n ay nag act akong nagulat.
"Hala. Nakalimutan ko magpabili ng juice, ano nang iinumin ko niyan?" kunwaring nalulungkot na sabi ko.
"Seryoso ka ba? Ang layo layo ng canteen dito." hindi makapaniwalang sabi niya. Pangatlong balik niya na kasi ito if ever, tapos three buildings away pa yung cafeteria mula rito sa tapat ng henry sy sr hall kung saan kami nagsstudy session. Malapit na kasi ang mid terms namin.
By the way, tatlong araw palang ang nakakalipas simula nung mangyari yung sa volleyball pero hanggang ngayon ay hindi parin nawawala yung bukol ko. Although, lumiliit naman na siya. Parang ayaw ko na ngang mawala eh, sarap ng buhay ko nung naging utusan ko si Mave. Para akong prinsesa.
"Ah, ganon? Sige hayaan mo nalang siguro ako--"
"Eto na, eto na." pagsuko niya at umalis na ulit. Napatawa naman ako dahil don pero agad din akong napatigil nang hampasin ako ni Kim.
"Hindi ka na naawa sa tao, ang layo layo ng cafeteria tapos pinapabalik balik mo pa." sita sa'kin ni Kim, Napasimangot nalang ako bago tumingin sa reviewer ko.
"Daig mo pa yung mga sad girl sa facebook pag hindi nabibigay gusto mo, eh." natatawang sabi ni Zia habang si Max ay napapailing iling nalang sa tabi ko.
"Hayaan niyo na, ngayon lang naman ako naging ganito sakan'ya. Saka saksi naman kayo kung paano ako asarin ng lalaking 'yan." sabi ko. Saka ilang araw lang naman yung akin, kan'ya nga simula pa nung bata palang kami eh, nagreklamo ba 'ko?
"Wala namang kaso sa'min pero syempre you should know your limitations. Malay mo magrereview rin yung tao pero inuutos utusan mo." dagdag pa ni Kim. Napabuntong hininga nalang ako bago napaisip.
Tatlong araw na nakakalipas pero halos hindi na umalis si Mave sa tabi ko dahil sa kakautos ko. Bigla tuloy akong naguilty kasi baka hindi na siya nakakapag review dahil sa'kin. Sige na nga, hahayaan ko muna siyang gawin ang gusto niya for this day at babawasan ko na rin ang pag uutos sakan'ya.
Nang makarating siya ulit ay inabot niya sa'kin ang rite and lite cucumber na favorite ko. I smiled bago kunin iyon, he really knows my favorite. Syempre puro baman rite and lite ang laman ng ref namin kaya niya rin nalaman.
"Ano? May iuutos ka pa ba?" hinihingal na tanong niya sa'kin. Umiling naman ako agad at ramdam kong bahagya siyang nagulat.
"Sige na, baka may gagawin ka pa. Bukas nalang ulit, sunduin mo'ko kasi walang pasok si Kuya." sabi ko sakan'ya.
"Finally, kala ko papabalikin mo na naman ako kaya balak kong bilhin na yung buong cafeteria. Joke. Sige, una na'ko." paalam niya at umalis na. Binaling ko ang tingin ko kay Kim at nagthumbs up lang siya sa'kin kaya inirapan ko siya ng pabiro.
YOU ARE READING
Sweet Nothing
Teen FictionWherein Cassidy Keithlyn Sanchez found peace in her childhood enemy, Maverick Finn Santos.