Chapter 4

10 5 0
                                    

"Bye, Ma!" Sigaw ko tsaka ko binuksan ang Gate. Narinig ko pang sumigaw din pabalik si Mama.

Pasipol-sipol akong naglakad sa kalye papuntang Unibersidad. As usual papasok na naman ako. Tapos na ang Sabado at Linggo kaya back to normal na naman.

Lunes ngayon, ayokong mabadtrip. Ngumingiti pa ako habang pinaglalaruan ang mga paa ko habang naglalakad. Pagliko ko sa kabilang kanto biglang nawalan ng ngiti ang labi ko sa nakita ko. Kahit naman medyo malabo na ang mata ko nagiging malinaw kapag SILA ang nakikita ko sa malayo. 100-100 lang ang grado ng mata ko, mababa lang. Syempre sino ba ang hindi makakakilala sa mga pigurang nasa Waiting Shed. Kung bawat anggulo nila hindi ko gusto.

Napa 'tsk' na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Kakasabi ko lang na ayokong mabadtrip eh. Bumuntong hininga na lamang ako upang di na mag-init ang ulo ko.

Buong tapang akong naglakad nang natapat na ako sa Waiting Shed bahagya pa akong tumigil at nilingon sila. Nagulat pa nga yung mga Fake Best friends slash Ex Best friends ko dahil di nila ako inaasahan. Nakita ko sa mga mata nila ang takot, takot nila sa akin.

Dapat lang na matakot sila at magulat. May atraso ba naman sa akin lalong lalo na yung isa, na syang dahilan kung bakit lumutang ang mga plastic sa Friendship namin.

Bago ako naglakad muli, binigyan ko muna sila ng nakakamatay na kurap. Wala na! Tuluyan na akong na-badtrip dahil sa mga mukha nila. Naka-uniform sila, halatang sabay-sabay silang papasok at same course pa. Wow Magic!

Nakabusangot akong naglakad hanggang marating ko ang University. Nakita ko na naman yung mga babaeng ang sasama ng tingin sa akin. Ano na naman bang problema nila sa akin? Jusko naman Peter Pan!

"Yan? Eh mas maganda pa nga ako jan eh" Girl 1

"Maputi lang eh" Girl 2

"Syempre, daig ng malandi ang maganda" Girl 1

Nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Automatiko akong napatigil at napaharap sa dalawang babae na nagsalita. Kahit hindi nila pangalanan, alam kong ako 'yong tinutukoy nila.

"Excuse me?" Sabi ko sa dalawa. Tinignan lang ako at tinaasan pa ng kilay. "Sino bang pinag-uusapan nyo? Share naman jan oh" Maangas kong sabi sa dalawa.

Buong tapang na sumagot si Girl 1. "Sino pa ba ang pinag-uusapan namin!? Eh di ikaw!" Pagkasigaw na pagkasigaw nya sa salitang 'ikaw' ang syang pagbakat ng palad ko sa pisngi nya. Nagulantang sya maging ang kasama nya. She didn't expect my slap. Pati ang mga taong nagdaraan ay napahinto at napatingin sa amin.

Never awake the demon inside me. "How dare you to slap me!" Sigaw nya. Napangisi ako ng makita ko ang pagbakat ng palad ko sa pisngi nyang sinampal ko.

"You better shut your mouth or else I will cut your tongue" Mapagbanta kong sabi sa kanya. Hindi sya natinag at binigyan pa ako ng matalim na tingin. "Gagawin ko lang 'yon kapag tinigilan mo nang landiin si Peter!" Galit nyang sigaw. Napangiwi ako sa sinabi nya.

"Hoy babae, hindi ko nilalandi si Peter. Sadyang kaakit-akit lang ako kaya palagi syang dikit nang dikit sa akin" Pang-iinis ko sa babae. Mas lalong nagsalubong ang dalawa nyang kilay. Mananampal na sana sya ngunit inunahan ko. But this time, sa kabilang pisngi naman para pantay.

"Kung nakakamatay ang insecurity malamang sa malang noong first day pa lang nang pasukan pinaglalamayan ka na" Sabi ko sa babae. Hindi na sya makapagsalita sa sobrang pagkagalit nya sa akin. Wala na din nagawa ang kasama nyang babae. Nanonood na lang sa amin habang inaawat ang kaibigan nyang ang sama ng tingin sa akin.

Tinalikuran ko na lamang sila. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may naalala ako. Nilingon ko sya ngunit ang katawan ko ay nakatalikod sa kanya. Sinalubong ko ang nagtatangis nyang mga mata. "Try to be seductive sometimes, baka sakaling maakit mo si Peter. Kung magagawa mong maging kaakit-akit o baka kasagwa-sagwa I mean. Hahaha" Puno ng pang-iinsulto ang pagtawa ko. Hindi ko na hinintay pa ang magiging reaksyon nya. Don't care. At naglakad akong muli ng taas noo na para bang wala akong ginawang masama. Naririnig ko parin ang mga ibang estudyante na tinatawanan si Ate Girl dahil sa pagkakapahiya.

Pagkarating ko ng Classroom, tingin sila sakin lahat. Problema na naman ba nila? Tsk. Di nagtagal dumating na ang Prof namin.

Pagkatapos ng ibang subject nagpunta na kami sa kabilang building para sa Computer Lab namin.

Habang papunta kami sa kabilang building, nadaraanan namin ang mga ibang estudyante na kung maka-tsismis ay ginawa na nilang libangan. Napa-irap na lamang ako sa mga matang sumasalubong sa akin.

Hindi ko rin pinapansin si Peter, nakaka-imbiyerna sya. Ayoko ng away eh pero nang dahil sa kanya napa-away ako. Mabuti na lang kamo at hindi malala ang pag-aaway namin nung babaeng yon kanina kaya walang office ang naganap.

Dapat lang dahil kapag office ang pupuntahan non. Baka tambangan ko pa yung babaeng nakaaway ko.

Naupo ako sa pinakaharap sa may gilid para maiwasan si Peter. Dahil kanina nya pa ako kinukulit kung ano ba raw ang nangyari. Bilis talaga ng balita, haba ng pakpak eh.

"I will dictate the Steps of PC Assembly and PC Disassembly"

"PC Assembly. Number 1, Discharge your..." Nagjo-jot notes ang ginawa namin habang dinidictate ni Sir ang mga steps sa PC Assembly at Disassembly.

Pagkatapos ng klase ay sa Titanic ng University ako nagtungo. Doon ako magpapahinga. Malayo sa mga taong tsismosa.

Tahimik lang akong pinapanood ang fishpond na sumasayaw dahil sa hangin. Nakakarelax dito, isama mo na rin na may mga puno pa ng mahoganies at Nara na nakatanim dito. Walang mga estudyante ang nakatambay rito dahil mas gugustuhin pa nilang maglakwatsa sa ibang bahagi ng University kesa ang tumambay rito.

"Nag-iisa ka na naman" Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang tinig na 'yon. Napanguso ako ng makitang si Peter Pan na naman.

Hinayaan ko syang umupo sa tabi ko. Walang umimik pagkatapos non. Namayani ang katahimikan parin habang parehas kaming nakatingin sa fishpond kung saan maraming mga isda ang nagsisilanguyan ng payapa. Nakasalampak lang kami dito sa lupa na may damo. Hanggang sa naramdaman kong naglabas sya ng pagbaunan sa kanyang bag.

"Graham balls na may marshmallow sa loob" Maikling sabi nya habang ino-offer sa akin ang isang pagbaunan na punong puno ng gram balls. Tinignan ko muna sya sa mata bago ang graham balls.

"Si Mommy ang gumawa nyan. Sabi nya sa akin kapag daw ang isang babae masungit pakainin lang daw ng sweets na pagkain ay magiging mabait na. So, nagpagawa ako kay Mommy ng graham balls dahil ikaw kaagad ang naalala ko. Nagbabakasakali na kapag kumain ka na ng sweets food na gawa ni Mommy baka maging mabait ka na sa akin at hindi mo na tarayan pa" Mahabang litanya nya. Alam ko, alam kong nakangiti sya kahit na hindi ako nakatingin sa mukha nya.

Nakayukong ngumiti ako bago kumuha ng isa sa graham balls na nasa pagbaunan. At alam kong mas lalong lumawak ang ngiti nya. Binalik ko ang tingin ko sa tubig. "Baka naman may gayuma ito?" Tanong ko sa sabay lingon sa kanya na may nakatatak na ngiti sa labi ko at maging sa labi nya.

"Hindi ko na kailangan ng gayuma, sapat na ang kagwapuhan ko para mahulog ka sa akin" Humahalakhak nyang sambit. Bigla kong binalik sa kanya yung kinuha kong graham balls. "Nawalan na ako ng gana", pagsisinungaling ko.

"Naks! Kainin na nga natin 'to" iyon na lang ang sinabi nya pero bago nun ay nag dasal muna kami atsaka nagsimula na kaming kinain ang graham balls na dala nya.

I know, this day. Everything changed. Dahil imbes na magalit ako kanina ay mas pinili kong maging kumalma. Dahil alam kong walang kasalanan si Peter sa nagyari kanina. Tanging ako ang may kasalanan dahil kay Peter ko binubunton ang dapat na hindi sa kanya matuon. Kasalanan ko dahil palaging si Peter ang sinisisi ko sa bawat mga matang matatalim ng estudynate ang tumatama sa akin kahit na dapat wala akong sisihin. Dahil naalala ko, nabubuhay nga pala ako--kami--tayo sa bilog na mundo na punong-puno nang mga taong mapanghusga.

I realized, Peter Pan is the man who will always there to make me smile and laugh. He's the man you [I] can't resist because of his lovely smile. His tantalizing eyes, shining like a diamond every time he laugh and smile sweetly.

•••

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon