Chapter 1

60 6 0
                                    

Kabado akong napasulyap sa taas bago binasa ang nakasulat doon. This is it. First day of being College students.

Ilang oras ba akong natulog? 8? Ah, naalala ko hindi nga pala ako nakatulog dahil sa kakaisip ko. Kakaisip kung ano nang magiging buhay ko bilang College students. Ang sabi nila mahirap daw, sobrang hirap.

Napabuntong hininga na lamang ako upang maibsan ang kabang nararamdaman ko at upang magkaroon ng oxygen ang aking utak nang hindi ako antukin.

Nagpatuloy ako sa paglakad paloob ng Unibersidad. Madaming mga estudyanteng naglalakad at ang iba naman ay tumatakbo.

Napahinto akong muli at napalibot ang ang mga mata sa kabuuan ng Unibersidad, ang lawak. Habang hawak ko ang isang piraso ng papel na naglalaman ng aking schedule.

Nagpatuloy akong muli sa paglalakad at hinanap ang unang room na papasukan ko para sa una kong subject.

Hindi ko namalayang magsisimula na pala ang una kong subject kaya't nagmadali ako sa pag-akyat ng hagdan. Mabuti na lang at sa pang apat na palapag lang ang room ng una kong subject.

Habang tumatakbo ako ng hallway samut-saring tao na 'rin ang aking nababangga kaya't nanghihingi na lamang ako ng paumanhin.

"Paumanhin" Sabi ko sa babaeng nabangga ko at bahagya pa akong yumuko. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot ng babae at nagpatuloy akong muli sa pagtakbo.

Malapit na ako sa aming room ng may makita akong lalaki na papatakbo rin sa aking direksyon kaya't nagmadali akong nagpagilid ng makita ko na ang pinto ng aming room upang sana ay iwasan ang lalaking tumatakbo patungo sa direksyon ko at total ilang hakbang na lamang ay pintuan na. Nang bigla rin syang nagpagilid at sabay pa kaming pumasok sa pintuan. Kaya't ang ending ay nagbanggan kami side to side. Para akong nahulog sa bangin sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabunggo namin sa isa't-isa.

"Pasensya ka na Miss, okay ka lang ba?" Mabilis na tanong ng lalaki sa akin dahil napaupo ako sa sahig. Ang sakit ng puwet ko.

Tinignan ko naman ng masama ang lalaki. Mababakas sa mukha nya ang pag-aalala. "Mukha ba akong okay? Mister!" Pagsusungit ko. Aalalayan nya pa sana akong tumayo ngunit itinulak ko sya. Wala na! First day ko bilang College nasira na.

Nang tignan kong muli ang mukha ng lalaki ay nakangiti na sya sa akin kaya napataas ang isa kong kilay sa ginawa nya. "Anong nginingiti-ngiti mo jan ha!?" Sigaw ko sa kanya ngunit mas lalong tumamis ang kanyang ngiti na mas lalong nagpalabas sa kanyang mapuputing ngipin. Umiling lamang sya.

"Baliw" Mahina kong sabi ngunit sapat na'yon upang marinig nya. Mas lalo akong nainis dahil humalakhak lamang sya sa sinabi ko.

Napairap na lamang ako at naglakad na papasok ng room. Doon ko lang napagtantong pinapanood na pala kami ng mga kaklase ko maging ang aming prof. Hiyang-hiya akong napa-Good morning- sa prof namin. Yukong umupo ako dahil sa kahihiyan. Narinig kong magalang na nag-Good morning- din yung lalaki--- tsk. Bakit ko pa magiging kaklase?

Sobrang suwerte ko naman ngayong umagang ito dahil nanghila sya ng upuan at sa tabi ko sya pumwesto.

"Wag mo nga akong tabihan!" Inis kong sabi sa kanya ngunit sa mahinang boses. Ngunit hindi nya ako pinakinggan o nilingon man lang. Sa prof lang namin sya nakatingin, kunwari ay nakikinig pero halata namang hindi. Papansin lang!

Imbes na lamunin ako ng inis dahil sa katabi ko, nakinig na lamang ako sa prof namin na nagpapakilala ng kanyang sarili.

Lumipas ang maraming oras hanggang sa natapos ang kalahating araw, lunch time na. Nagmadali akong nag-ayos ng gamit ko. Palabas na ako ng room nang biglang umepal na naman yung lalaking nakabanggaan ko.

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon