Chapter 6

11 5 0
                                    

"Stock?" Napalingon ako kay Peter nang magsalita sya. Stock? Anong ibig nyang sabihin.

"Stock? Ang alin?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Bahagya pa akong tumigil sa pagbabasa sa librong hawak ko.

Ngumuso sya at sinundan ko kung saan nakaturo ang nguso nya. Nahinto ako sa nakabukas kong bag. Naglalaman ng mga books namin sa ibang subjects at mga note books ko na 'rin. "Hindi kita ma-gets? Anong stock ang pinagsasabi mo?" Iritang tanong ko dito. Na-istorbo na nya ako sa pagbabasa.

Narinig ko pang nag 'tsk' sya. "Iyang bagong librong nasa bag mo" Sabi nya sabay turo nya sa bag kong muli gamit naman ngayon ang kanyang hintuturo. Doon ko nakita ang kanyang tinutukoy. Isang libro na hindi related sa School.

Librong punong-puno ng hiwaga. It was a fantasy genre. A random suitors of mine gave it to me. Kanina lang. Sa kabilang block sya, same course kami.

"Ohh, bigay sa akin yan kani-kanina lang" Nakangiting sambit ko sa kanya. Napataas naman ang dalawa nyang kilay. "Ang bait naman ng nagbigay" Nakangiting sambit nya. "Sino ba nagbigay?" Sabay habol nya. Nanatili parin syang nakangiti.

"Ah, yung lalaking gustong ligawan ako sa kabilang block" Maikli kong sagot sa kanya. Napa- ahh, okay naman sya.

Hindi ko pinayagang ligawan ako. Tinanggap ko na lang ng buo ang regalo nyang libro para naman kahit papano ay hindi sya mapahiya. Natawa nga ako dahil hindi ko inaakalang may magtatangkang manligaw pa sa akin.

Pinagpatuloy ko na lang muli ang pagbabasa at si Peter ay pinagpatuloy nya din ang pagre-review.

----

Nagmistulang Giraffe ako para tignan ang sinusulat ni Peter sa kanyang Yellow pad. I saw the title of his speech, Unbeliever to Believer. Sisimulan ko na sanang basahin ang ginagawa nyang Speech ng bigla syang lumingon sa akin.

Ooops! Wrong move! Unti-unti kong pinilit ngumiti sa kanya na hindi labas ang ngipin.

"Anong ginagawa mo?" Seryoso nyang tanong sa akin. Mabilis aking umiling at agad na itinuon ang aking mata sa Yellow pad ko rin.

Gumagawa kasi kami ng Speech para sa dun sa isa naming subject. By group 'to, 'di kami magka-grupo ni Peter pero pareho kaming representative ng bawat grupo namin sa naturang speech na 'yan.

Unbeliever to Believer? Napaka-unique ng topic nya. Sa speech namin kasi kahit anong topic ang pu-pwede.

Kanina pa ako nakatitig sa walang sulat na yellow pad ko. Kanina pa ako nag-iisip ng topic ko. Tatlo ang grupo at bawat isa ay tig dalawa ang mag-i-speech. So, bale-- anim kaming lahat. Sa Oral Com ata namin subject 'to.

"Ahh, Peter" Lumingon ako sa kanya na busy parin sa pagsusulat ng kanyang Speech. Saglit syang huminto sa pagsusulat at nilingon ako habang may kunot sa kanyang noo. Napasalubong ang kilay ko sa inaasta ni Peter. Ngayon ko lang sya nakitang napaka-seryoso. Anong nakain nya? Dahil ba sa speech?

"Sasali ka ba sa nalalapit na Battle of the Band?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Bigla namang napataas ang mababang parte ng labi ni Peter.

May nalalapit na Battle of the Band kasi dito sa University. Bawat course may representative. Natanong ko lang kay Peter kung may balak ba syang sumali dahil magaling naman sya sa piano.

Nagkibit balikat lamang sya at muling bumalik ang kanyang presensya sa yellow pad nya. "Hindi ako interesado"

Napatitig ako sa side ng kanyang mukha dahil sa kanyang sinabi. "Bakit naman?" Bigla kong tanong sa kanya. Kibit balikat lamang ang kanyang isinagot sa aking tanong ng hindi ako nililingon.

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon