Chapter 8

10 4 0
                                    

Napatingin ako sa alarm clock sa side table ko. 5:00 o'clock na pala ng umaga. Doon lang ako nabalik sa realidad na may klase pala at hindi man lang ako nakatulog.

Pagkarating ko kasi ng bahay ay agad ko ng sinimulang basahin yung librong binili namin ni Peter. Sobra akong na-engganyo sa nilalaman ng book kaya hindi na ako nakakain nang gabihan. Total at busog naman ako dahil kumain pa kami ni Peter bago umuwi.

Mabuti nga at nakapag-shower pa ako kundi ay baka hanggang ngayon ay naka-uniform pa. Saglit kong tinignan ang pahina kung saan ako natigil sa pagbabasa tsaka ako bumangon upang maghanda na sa pagpasok.

Pagkababa ko ng hagdan bumungad sa akin ang napakabangong luto ni Mama.

"Magandang umaga, Aica Blythe!" Masayang bati sa akin ni Mama. "Magandang Umaga din sa pinaka-magandang Mama sa mundo!" Masayang bati ko pabalik kay Mama at binigyan ko sya ng isang napaka-higpit na yakap at matamis na halik sa pisngi.

Wala ang papa ko dito sa Pilipinas. He's in abroad, nagtratrabaho bilang OFW. May ate at kuya ako pero wala sila dito. Both of them, ay graduated na ng College. They are working at ako na lang ang natira sa bahay kasama ni Mama.

Pagkatapos kong nag umagahan at nagtoothbrush kaagad akong nagpaalam kay Mama para pumasok na.

•*•

Pagkarating ko sa Building namin, bumungad sa akin kaagad ang hindi ko kilalang lalaki.

"Hi Aica" Bati nito sa akin, simpleng ngiti lang ang sinagot ko dito. Ayoko namang ipahiya sya.

"Ahm! Wait lang!" Sigaw nya ng lampasan ko sya.

May inaabot sya. Tinignan ko yon bago ang mukha ng lalaki. Naiilang syang ngumiti sa akin. "Ano yan?" Inosente kong tanong sa lalaki.

Napakamot pa sya ng ulo dahil sa tanong ko. Alam kong nahihiya syang sabihin kung ano 'yon. Alam ko namang nagpapakipad hangin ang isang 'to. Hindi nila nananapak ako ng lalaki at nanununtok narin.

"Thank you" Maikli kong sambit sabay tanggap sa nakalahad na regalo sa kanyang palad. At doon ko nakita kung paano nakahinga ng maluwag ang lalaki.

"S-salamat at t-tinganggap mo" Hindi ko maiwasang matawa ng patago dahil sa bahagya nyang pag utal. Really? Bakit ba sa kabila ng ganitong ugali ko may mga lalaki pa pala akong nabibighani? Goodness!

"Mauna na ako" Pilit kong nginitian ang lalaki bago ko sya tinalikuran.

Pagkarating ko ng Room nadatnan kong busy ang lahat.

Nilapitan ko si Peter na abala sa kanyang upuan. "Anong meron?" Tanong ko sa kanya upang mapunta sa akin ang presensya nya. Bahagya pa syang napatingin sa hawak kong regalo bago sa mukha ko. "Ano yan?" Tanong nya na hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya at sinimulan ko ng buksan ang regalong binigay sa akin ng lalaki. Nagningning ang mga mata ko sa laman ng box. Mga iba't ibang klase ng libro ang laman n'on.

Ganun na ba ako ka-obvious sa pagiging book lover ko? At para bigyan ako ng mga nagpapalipad hangin sa akin ng mga libro? Sandali akong natigilan dahil sa biglaang naisip ko.

Si Peter? Nilibre nya ako ng libro kahapon. Anong ibig sabihin non? Kumain din kami ng kaming dalawa lang. Oh no! Mabilis akong umiling nang umiling. Halos pakiramdam ko ay matatanggal na ang ulo ko mula sa pagkakabit nito sa leeg ko.

Iyan! Iyan na naman ang pag-iisip ko! Kaya ako hindi nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko sa mga bagay na dapat hindi iniisip! Isama mo pa ang librong binabasa ko na syang bigay nya sa akin.

Tumigal ka Aica Blythe! Wag kang isip nang isip! Masama 'yon!

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon