Chapter 3

17 6 0
                                    

"Aica Blythe De Lara, pansinin mo naman ako oh" Kanina pa ako kinukulit ni Peter. Naiinis na nga ako dahil sinisimulan nya na naman ang araw ko. Narito kami sa Com Lab dahil Major Subject namin ngayon.

"Pwede ba tigilan mo muna ako kahit ngayon lang, Peter" Bulong ko sa kanya. Wala na kasi akong maintindihan sa tinuturo ni Sir eh. Tinuturo nya kasi kung paano magbaklas ng System Unit. Eh wala na akong naintindihan dahil kanina pa ako kinukulit ni Peter Pan.

Nanahimik naman si Peter at nakinig din kay Sir. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Akala ko matatapos ang klase namin kay Sir na wala akong matututunan. Matapos ang isang oras namin sa Com Lab ay bumaba na kami at nagtungo sa main room namin.

"Aica" Tawag nya sa akin na may halong lungkot sa boses ni Peter. Tamad kong nilingon sya. "Bakit?" Iritang tanong ko. "Wala lang" Sabay ngiti nya ng malawak. Nainis naman ako sa inakto nya. Yon lang yon? Kanina nya pa ako kinukulit tapos 'wala lang' pala.

Nakaka-high blood sya! Sabayan pa ng mainit na panahon. Kanina nga eh gusto ko ng ibato sa kanya yung system unit na hawak-hawak ni Sir.

"Tara kain tayo sa Canteen" Sabi nya sabay hila sa akin. Ni hindi man lang nya ako pinasagot na kung sasama ba ako sa kanya. Basta na lang hinila ang kamay ko at kinaladkad. My goodness! Nakakabaliw itong lalaking 'to!

Kagaya noon ng una nya akong niyayang kumain nang lunch ang pinagkaiba nga lang ay iba namang putahe ang nakahain na ngayon. As usual nagdasal muna kami bago kumain.

Habang kumakain kami may mga ilang estudyante ang napapatingin sa amin. Natural na pagtinginan kami dahil sa gwapo ba naman tong kasama ko.

"Diba sila yung mag jowang nag-aaway kahapon sa gitna ng daan malapit sa Gate?" Girl 1

"Oo nga girl" Girl 2

Napalingon ako sa mga babaeng nag-uusap. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil samin ni Peter sila nakatingin. So, kami yung tinutukoy nila? Nahalata nilang nakatingin ako sa kanila kaya agad naman silang kumaripas palabas ng Canteen.

Akala ko pa naman ay dahil sa gwapo si Peter kaya kami pinagtitinginan. Iyon pala ay dahil sa nangyari kahapon.

Like duh!? Kami magjowa ni Peter? Can't imagine bes!

"Hindi ba masarap ang ulam?" Napabaling ako ng tingin kay Peter. Mabilis akong umiling. "Eh, bakit ka tumigil sa pagkain?" Muli nyang tanong. Umiling akong muli. Marahan syang tumango bago sya nagpatuloy sa pagsubo.

Ang bait talaga ni Peter Pan. Nakakatipid ako ng pera sa kanya. Sipag magbaon. Pwede ng mag-asawa si Peter Pan. Natawa naman ako ng bahagya kaya napatigil sya sa pagsubo at tumingin sya sa akin.

"Sinong tinatawanan mo?" Inosente nyang tanong. "Wala" mabilis kong sagot sa kanya at sumubo na ako muli ng pagkain.

Pagkatapos naming kumain hinila nya na naman ako papuntang ibang building. Nahinto kami sa tapat ng isang pintuan. It was a music room. Marahang pinihit ni Peter ang knob. Bumungad sa amin ang napakatahimik na silid.

Mabilis na naupo si Peter sa isang upuan na sa harapan ay mayroong organ? Hindi ako sigurado kung organ nga ba 'yon. Nakita kong pumikit muna si Peter at huminga ng malalim. Narito parin ako malapit sa pintuan. Pinapanood si Peter. Pagmulat ng kanya mga mata ay syang pag stretch nya naman sa mga daliri nya.

Nagpakalawa syang muli ng malalim na hininga bago nagsimulang pumindot sa White key. Wala akong alam sa piano o kahit na anong instrumento.

Nasundan ng nasundan ang pagpintod nya sa mga key. Isang napakamalumanay na tugtog ang tinutugtog nya. Nararamdaman ko kung gaano kalungkot ang kantang pina-piano ni Peter. Napapapikit si Peter habang tumutugtog. Napakaganda nyang tignan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at agad na kinuhanan sya ng picture.

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon