Chapter 10

4 4 0
                                    

"Nakapag-paiyak ka na ba ng lalaki?" Napalingon ako kay Peter dahil sa tanong nya.

Nandito kami ngayon sa Elementary School dahil may hinihintay kaming mga papel na ituutos ng isa naming Prof. Malapit lang naman dahil nakakabit ang University sa Elementary at High School.

Habang hinihintay namin iyon ay pinapanood namin ang mga batang nagsisitakbuhan at naglalaruan sa malawak na social hall ng Elementary. Nakaupo kami sa Waiting area sa ilalim ng umbrella tree.

Natawa ako sa tanong nya, ako? Nakapagpaiyak na? Mas lalo akong natawa.

Binigyan ako ng isang nagtatanong na tingin ni Peter.

"Bully ka siguro nuh" Nakangising sambit nya. Hindi iyon patanong na sabi nya.

Naalala ko tuloy bawat karanasan ko magmula kinder hanggang grumaduate ako ng elementary.

Peter is wrong, hindi lang ako bully. Minsan na rin akong nabully. Minsan ko na ring naranasang umiyak dahil sa mga masasakit na salita. Minsan ko na ring naranasang unuwing umiyak sa harapan ni Mama dahil hindi ko na napigilan pa ang sakit.

Baboy daw ako, hindi magaling sumayaw, mataba, baboy, mataba. Palaging iyan sa dalawang iyan ang tinutukso sa akin.

Baboy? Mataba? They used to call me those words. Hindi ako mataba noong elementary ako, totoo 'yon. Iyon nga ang hindi ko maintindihan, nagpa-apekto ako sa hindi naman totoong pambabato nila sa akin ng ganong salita. Fit ako noon at matangkad. One time, tinanong ko iyong kaklase kong lalaki kung mataba ba ako. Nasa Grade 3 kami non, ang sagot nya hindi naman daw.

Hindi magaling sumayaw? Yes, aaminin ko 'yon. Tanda ko 'non. I was 9 years old that time. May sinalihan akong sayaw sa School. Praktis noon ng hapon at may mga nanood kaming kaklase. Color blue ang damit ko 'non, ako lang ang may blue na damit doon. So, ako iyong tinutukoy na hindi marunong sumayaw sabi ng kaklase ko. That day until now. Hindi ko makakalimutan 'yon.

Paiyak na nga ako that time pero pinigilan ko lang. Masakit, syempre. Away bata lang 'yon pero nagkalamat na noong gumaling ang sugat na natamo ko roon.

Napangiti ako ng pait dahil sa alaala'ng iyon. Hindi lahat ng nambubully ay masama. May mga taong kagaya ko na sa kabila ng katapangan may madilim ding tinatago sa nakaraan.

Hindi lahat ng nambully ay hindi na nakaranas ng pambubully din. Isa na ako doon, I was victim and I was bully too. Pero ginamit ko iyon para maging successful ako. Yung sinabi nilang hindi ako marunong sumayaw? Ngayon marunong na. Sa katunayan pa nga ay nanalo ang grade namin noon sa Cheer dance at modern dance.

Siguro kung nagpadaig ako sa takot noong nga panahong gusto ko na lang tumigil sa pag-aaral at magkulong na lang sa kwarto. Hindi ko siguro makakamit yung kung anong meron ako ngayon. Yung matapang at palaban. Hindi na yung naapi na lang basta-basta at napapaiyak ng sa mababaw na dahilan.

Sabi ko nga, tama lahat ng choice na pagpipilian. Nakadepende lang sa tao kung paano nya ito magagawa ng maayos.

Baboy? Napangiti ako. Malaki hips ko. Iyon ang problema, kapansin pansin ang bewang ko. At iyon ang nakaka-agaw ng pansin sa mga lalaki na syang ininakainis ko ng sobra.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Peter. "Ano ba yung tanong mo?" Binalingan ko sya ng ringin habang nakanguso sya.

"Yung, kung nakapag-paiyak ka na ba ng lalaki" Sambit nya. Bahagya akong ngumuso.

"Nakapag-paiyak? Bakit mo naman natanong?"

Ngumuso sya at sinundan ko iyon. Nakita ko ang batang babae na sinapak ang lalaki at doon nag-iiyak ang bagang lalaki. Sinapak nya ulit pero naawat na sya ng Teacher nila. Kawawa naman.

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon