Chapter 16

20 2 0
                                    

Saktong pagkalabas ko ng Library sakto ang pagdaan din ni Peter kaya ang ending pinansin nya ako.

"Kanina pa kita hinahanap, dito ka lang pala sa library nagtungo. 'Bat 'di mo ako hinintay? Kumain ka na ba?" Sunod-sunod nyang tanong sa akin. Naalala ko tuloy yung kanina, iniwan nya ako dahil tinawag sya. Tsk.

"Kamusta naman kayo ng babae kanina?" Labas ilong kong tanong sa kanya.

"Babae?, sinong babae--- ah, si Heza yun. Pinsan ko. Bagong lipat lang dito sa University" Nakipagtitigan ako sa mata nya at hindi naman sya nag-iwas. Ppero hindi ibig sabihin nun ay nagsasabi na sya ng totoo. May mga tao o lalaki talagang expert sa pagsisinungaling kahit sabihin mo pang diretso silang nakipagtitigan sa mata mo.

"Bakit hindi ka pumasok sa next class natin?" Tanong nya habang sinusundan ako sa paglalakad. 'Di ko sya inimikan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ako galit sa kanya, galit ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Ayan ka na naman sa 'di mo pag pansin sa akin" Napahinto ako sa paglalakad ng mahimigan ko ang lungkot sa boses nya. Bumuntong hininga muna ako bago ako pumihit paharap sa kanya.

"Look I'm sorry, okay?" Tanging iyon na lang ang naibigkas ko tsaka kami nagtungo sa susunod pa naming klase.

"Tayong mga IT ay mas magaling kesa sa mga Doctor. Dahil binubuhay natin ang mga patay. Pag may pinasok na patay na technology paglabas ng pinto buhay" Napatango ako sa sinabi ng Sir namin. He is true, kami-- pwede naming buhayin ang isang patay na. Not literally a human but a technology.

"Parang love lang 'yan! Kapag ba patay na ang feelings mo sa ex mo pwede mo pa bang buhayin?" Tanong ng Sir namin. May isa akong kaklase na nagtaas ng kamay.

"Yes, Mr. Larenza?"

"Sir depende po sa sitwasyon. Nasa puso po kapag titibok pa ba ito sa ex mo o hindi na" Kaagad naupo ang kaklase ko ng matapos syang sumagot.

"Exactly! Ganyan din ang computer! Depende sa sira. Ang computer kapag ang keyboard ang nasira pwedeng palitan, how about relationship nyong dalawa? Yes, nagpapalit ka din ang kaso jowa ang pinapalitan mo" Natawa kaming lahat sa pagiging hyper ng Sir namin knowing him na napaka-strikto at minsan lang magseryoso.

"Sa keyboard hindi lang basta-basta letter or symbols ang nakalagay doon. Bawat key may mga nakatago na di mo pa napapasok. Kumbaga sa buhay, ang alam mo lang ay mabuhay pero hindi mo alam may nakatago pa pala sa likod ng salitang 'mabuhay'. Every people has a story to tell, maybe yours is a kind of mystery"

"Sabi nga nila, 'Huwag mong hayaan na ang computer ang magturo sayo dahil ang computer ginawa para tulungan tayong mga tao'" Namamangha ako sa Sir namin dahil napaka-dami nyang alam. Hindi lang sa computer kundi pati narin sa buhay.

"Okay class mukhang dito na magtatapos ang discussion ng lesson natin" Tumingin si Sir sa pambisig nya tsaka sya nagsalitang muli.

"May ilang minuto pa tayong natitira, pwede pa nating pag-usapan ang nalalapit na Acquaintance Party nyo before mag end ang first semester nyo" Sa sinabing iyon ni Sir biglang umingay ang loob ng Room namin dahil sa sigawan ng mga kaklase ko. Samantalang ako tahimik lang at walang kibo, ganun din si Peter na katabi ko.

"Enough, next month pa naman" Natigil ang lahat ng mga kaklase kong nag-ingay kanina sa panibagong announce ng Sir namin. Hindi ko alam kung bakit natawa ako sa sinabi ni Sir at sa naging reaksiyon ng mga kaklase ko.

"Hindi naman halatang excited kayo, eh 'nuh guys?" Pati ang Sir namin natatawa narin samantalang nakasimangot naman ang iba.

"Kaya ko maagang sinabi sa inyo dahil gusto ko lang na makapag-praktis na ang lahat ng sasali ng Battle of the Band. Napagpasiyahan na kasi naming na ang Battle of the Band ay gaganapin na lang sa Acquaintance para siguro isahan na lang at 'di na kayo magproblema sa paghahabol ng grade kung ibang schedule pa" Mahabang litanya ni Sir. Kaagad namang nabaling ang tingin ko kay Peter na tahimik paring nakikinig kay Sir.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon