Chapter 14

5 2 2
                                    

Hindi ko mahanap si Peter! Nanggaling na ako ng Titanic, sa Garden kahit na sa Canteen pero wala akong Peter na nakita. Bahagya ko pang nakasalubong sa may bandang clinic ang apat na babaeng naka-away ko kanina. Hindi nila ako tinapunan ng tingin at nagmadali pang umalis.

Pero wala akong paki-alam. Hindi na nga ako nakapasok sa sunod kong subject dahil hindi din pumasok si Peter sa klase namin.

Nagpapasalamat na din ako at hindi nakarating sa Dean ang mga nangyari kanina. Siguro ay takot na lamang ng mga apat na 'yon magsumbong dahil paniguradong hindi ako ang madidiin doon.

Napalabas na'rin ako ng University at natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung bakit.

Para akong batang naligaw sa itsura ko ngayon. Paniguradong madumi na ang puti kong palda na pencil cut maging ang blouse ko na puti rin. May highlights lang ito sa iba't-ibang parte.

Nasa kalsada parin ako habang may mangilan-ngilang mga sasakyan ang dumaraan.

Gusto kong magmura dahil hindi ko alam kung bakit ako umiiyak!

Hindi ko alam kung nasaan si Peter. Tinatawagan ko sya pero patay ang cellphone nya. Galit kaya sya sa akin? Eh ano naman kung galit sya sa akin!? Mas lalo akong napaiyak!

Bakit ba kasi napaka-misteryoso nya!? Ni hindi ko alam kung nasaan ang bahay nila para kung sakali ay doon ako magpunta dahil baka umuwi na sya.

Ilang minuto pa akong nakaupo sa gilid ng kalsada bago ko napagpasiyahang maglakad-lakad muli hanggang sa narating ko ang pinakamalapit na plaza sa University. Maraming bata ang lalaro at nagtatakbuhan sa sementadong tinutungtungan namin.

May mga nagtitinda ng kung ano ano at may mga tumatambay lang din.

Open place at walang kapuno-puno. Naupo ako sa isang bench habang may malalim na iniisip. Napabuntong hininga ako sa kawalan.

"Ice cream, chocolate flavor" Tumambad sa harapan ko ang isang ice cream na naka-cone. Napa-angat ako ng tingin sa kamay na naglahad nun. Napanguso ako ng mukha ni Peter iyon. May hawak din syang ice cream na siguro ay avocado flavor.

"Hindi ako tumatanggap ng Ice cream na galing sayo" Pakunwaring pagtatampo ko sa kanya at bahagya pa akong nag-iwas ng tingin. Inaasahan kong makakarinig ako ng isang halakhak nya ngunit nadismaya ako ng walabakong narinig. Alam ko na, ramdam kong dismayado sya sa akin. Narinig kong bumuntong hininga sya.

Dapat sya yung magpabebe sa amin dalawa pero heto ako at nag iinarte.

"I'm sorry" Mahinang sambit ko pero sapat na 'yon para marinig nya. Napatingin ako sa hawak nyang Ice cream na dapat sa akin. Unti-unti ng nalulusaw iyon.

"Hindi ko naman gustong patulan sila kaso nakakapuno na 'rin" Dagdag ko pero wala parin akong narinig na sagot nya.

"Alam mo naman ang ugali ko eh, ayoko ng naaagrabyado" Dagdag ko muli at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kapag hindi ko sila pinatulan, lalo lang nila akong babatuhin ng nga salitang hindi kanais-nais" Bahagya ng napa-crack ang boses ko pero tumikhim lang ako para takban ang nabasag kong boses.

Akmang magsasalita pa sana ako ng inunahan na ako ni Peter.

"Kahit pagbali-baliktarin mo man ang pangyayari, mali parin iyon. Kahit anong dahilan pa iyan dapat ay hindi mo sila pinatulan" Matigas nyang sambit. Nagtangis ang bagang ko sa sinabi nya.

"So, ako pa ang may mali ngayon?" Mapanuyang tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa Ice cream na ngayon ay natunaw na at kailangan ng itapon.

"Oo" Walang pakundangan nyang sagot. Para namang may tumarak sa lalamunan ko sa sinabi nya dahilan para hindi ako makahanap ng isasalita.

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon