Chapter 12

3 2 0
                                    

"Maaa!" Sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.

"Ma!?" Sigaw ko ulit ng walang sumagot.

Napakunot ako ng noo pagkababa ko nang walang Mama ang bumungad sa akin. Nagtungo ako kaagad sa kusina pero isang note lang na nakadikit sa ref ang nakita ko.

"Happy Sunday Morning, anak. Maaga akong umalis at nagtungo ako dito kanila Tita Glenda mo. Dadaan muna ako ng Church bago ako tumungo kay Tita Glenda mo. Take care" Basa ko sa Notes. Urgh?

Tinignan ko ang loob ng ref kung may pagkain bang niluto si Mama para initin ko na lang kaso walang ulam na luto ang bumungad sa akin.

Tinignan ko din sa mesa kung may natakpan ba doon pero wala rin. Napanguso at napasalubong ang kilay ko dahil alam ko na ang mangyayari.

Ako ang magluluto ng pagkain ko. Yan ang problema, di ako marunong.

Sunday at wala akong pasok.

Nagkalkal ako sa cabinet sa taas at may nakita akong Quaker Oats. Di pa nabubuksan kaya napa-kibit balikat ako.

Nilapag ko muna iyon sa mesa bago kumuha ng powdered milk at baso. Naglagay ako ng tubig sa bago galing sa water dispenser bago ako naupo at hinarap ang Quaker Oath.

Binuksan ko at naglagay ng marami sa baso, pagkatapos naglagay na din ako ng powder. Hinalo ko at tinikman ang Oath.

"Bat parang may mali?" Tanong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang direction ng Oath. Napakunot noo ako pero tumayo narin ako at nagsalan na ako ng pwede kong pagpakuluaan sa laman ng baso ko.

Binuhos ko sa nakasalan na lalagyanan ang oath na may gatas at pinakuluan nabasa ko din na lagyan ng asin. Kahit napa uh? Ako naglagay parin ako ng konti. Hinalo ko hanggang sa kumulo. Ending, sobrang lapot.

"My goodness, wala ako sa bundok pero bakit pati pagtimpla ng ganito diko alam?" Nababaliw kong tanong sa sarili ko.

Pinagtiisan kong ubusin ang Oath na nilagay ko sa gatas. Halos masuka nga ako dahil ang lapot talaga.

Hanggang sa naisip kong tawagan si Peter. 7 na ng umaga, siguro ay gising na sya.

Ilang ring lang ay sinagot nya na.

"Napatawag ka BS" Bungad nya sa akin. Wala man lang Hello?, Good morning. Tsk.

"BS? Like Bakla si..."

"Bakla si?"

"Si Ikaw!" Mabilis na sagot ko. Narinig ko namang tumawa sa kabilag linya si Peter. Alam ko naman breadstick ang meaning ng bs na sinasabi nya.

Napairap ako bago nagsalita. "May lakad ka ba ngayon?" Tanong ko

"Yung paa ko ang may lakad ngayon" Pamimilosopo nya. Napairap naman ako sa hangin kahit hindi nya nakikita. Minsan pang pilosopo Peter, tignan natin kung may matatawag ka pang 'ball is life'

Napangisi ako ng wala sa oras. Huminga ng malalim bago kinausap muli si Peter sa kabilang linya. Ayokong ma-badtrip ngayong araw, dapat happy lang.

"Pwedeng sumama yung paa ko sa paa mo?" Pagsasakay ko sa pamimilosopo nya. Narinig ko na namang humahalakhak sya.

"Oo naman, pwedeng-pwede. Sunduin kita mamayang 8:20 jan sa bahay nyo. Bye"

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon