Chapter 13

4 2 1
                                    

Ano ba naman yan! Sa lahat nang makikita ko ngayong umaga ng Lunes bakit yang malantod na Aica Blythe pa ang nakita ko!?

Napaka-ganda ng umaga ko para makarinig ako ng mga ganoong salita. Yesterday ay Sunday at nagsimba ako isama mo pa ang pagme-memorise ko ng mga verses tapos mapapa-away lang ako ngayon? What the-- no way!

Kalma lang Aica--- maganda ka. Bulong ko pa sa sarili ko at nagpatuloy ako sa paglalakad. Binigyan ko na lang ng isang irap yung mga grupo ng babae na pinagtsi-tsismisan ako.

Akala naman nila napaka-pangit ko para masira ang araw nila. Duhh? Hindi man ako kasing ganda na parang pang Miss Universe pero never naging Anabelle ang mukha ko. Kumbaga noong umulan ng pagpapala, isa na ako sa naambutan samantalang sila lumabas na nga sa lungga inayawan pa ng pagpapala.

Wait--- parang may mali. Malantod ang sinabi hindi pangit! Kusang napa-reverse ang mga paa ko dahil sa na-realized kong Malantod keme na'yan ang sinabi at hindi pangit.

"Excuse me? Ang malantod yung nagpapa-bukaka na lang jan sa tabi-tabi. Wag nyo akong igaya sa mga sarili nyo ha?" Mataray kong sambit sa kanila. Napataas naman sila ng mga kilay nila. Apat na mga babae na mukhang naging bakla dahil sa make up na nakapatong sa mukha nila.

"Ang kapal mo para ibalik ang pagiging malantod mo sa amin! Malantod na nga pangit pa!" Sigaw ng isang babae sa akin. Gusto kong murahin ang pagmumukha nya! Wow! Ang kapal ng mukha nyang sabihan ako ng pangit!

"Kung makalait ka sa akin ng pangit akala mo ang ganda mo eh nuh? Kung tutuusin pa nga eh mas matino na yung itsura ni Anabelle kesa sayo eh!" Balik kong sigaw sa babae. Hindi ako magpapa-api! De Lara ako at wala akong sinasanto pagdating sa mga ganito. Pag ako na inagrabyado doble ang kabayaran.

"How dare you!?" Akmang sasampalin nya na sana ako kaso mas naunahan ko sya.

"Too slow" Mapanuyang sambit ko sa babae. Napangisi ako ng makitang bakat na bakat ang palad ko sa pisngi nya. Kulang na lang ay duguin na ang ilong nya.

"Oh ano ka ngayon? Anong laban ng ganda mo jan sa sapak ko?" Mapanuyang tanong ko dito.

Tinignan ko naman ang iba pa nyang kasamahan na halatang inis na inis na sa akin. "Oh kayo? Anong panama ng ganda nyo kapag sinapak ko din kayo?" Mapanghamon kong tanong sa kanila. Pero as if namang may ganda sila.

"Toxic!" Sigaw naman ng isa pang babae na may kilay goals at pink na lipstick. Napa-huh- naman ako sa sinabi nya.

"Kung ako toxic kayo naman cancer sa lipunan" Narinig kong nagsitawanan ang mga estudyante. Doon ko lang napansin na marami na palang nakiki-usisa sa live show namin ng mga babaeng ito.

"Ikaw ang cancer sa lipunan! Ahas ka! Ang galing mong lumandi sa mga kalalakihan!" Sigaw naman ng isa pang babae. Kasing tangkad ko sya habang itim na itim ang mga mata dahil sa eyeliner nya at may pulang pula na pisngi. Pinaghalong natural at blush on. Halata sa mata nya na naiiyak na ito.

Hindi ako naka-imik dahil doon.

"Meron ka na ngang Peter Dale, bakit kailangan mo pang mamingwit sa kabilang block ha!?" Muling sumigaw si ate na makapal ang eyeliner pero this time, naiyak na sya. Nahulog na ang mga luha na kanina lang ay nagbabadya.

Narinig ko pang na -oooowwww- ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin dahil sa naging asta ni Ate girl.

"Ate girl na may makapal na eyeliner. Hindi ko nga kilala yang tinutukoy mong lalaki tapos bigla-bigla mo na lang akong inaaway? Ayos ka rin eh nuh? Tsaka ako namimingwit? Ano ako mangingisda? Ano nahithit mo? Katol? Dahon ng bayabas na tuyo? Baygon? Usok ng tambutso o kili-kili power?" Mas lalong nagsitawanan ang mga estudyante dahil sa mga sinabi ko. Mas lalo naman naiyak ang babae.

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon