Chapter 2

26 6 0
                                    

"Aica!" Napalingon ako sa taong tumawag ng aking pangalan. Nasulyapan kong si Peter pala iyon.
Ngunit imbes na huminto at hintayin ko sya ay mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Second day ko pa lang dito sa Unibersidad ay may taong nangungulit na sa akin.

Pagkapasok ko ng room ay tahimik akong naupo at di inalintana ang mga kaklase kong maiingay. Alam ko namang Fresh Graduate lang kami ng Highschool kaya maiingay pa -sila- naiintindihan ko naman dahil naka-adopt parin sa kanila ang ugaling High school life but I know I'm matured enough than them.

"Hayyy" Napalingon ako sa taong nagsalita. Pagod na pagod at pawis na pawis si Peter na nakaupo sa tabi ko.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" Hinihingal nyang tanong sa akin.

"Tinatatawag kita eh" Dugtong nya. Rinig na rinig ko pa ang paghinga nya. Halatang napagod.

"Hindi kita narinig" Pagtataray ko at pagsisinungaling ko.

"Hindi narinig? Lumingon ka nga eh" Sambit nya.

Hindi na lamang ako umimik dahil alam kong mapapahaba lamang ang aming pag-uusap.

Inihiga ko na lamang ang aking ulo sa arm ng chair ko upang magkunwaring iidlip para hindi na ako kulitin ni Peter.

Nagtagumpay naman ako dahil hindi ko na narinig pang nagsalita si Peter.

Hindi nagtagal ay dumating na ang Prof namin, ngayon pa lamang magsisimula ang totoong klase. Kahapon kasi ay Introduce at some discussion about sa mga subjects lang namin.

Nagsimula ng magturo si Prof habang lahat ay walang nag abalang magtsismisan. Lahat ay tutok na tutok sa kanya, maging ako at ang katabi ko na si Peter.

Ganun parin ang mga sumunod na subject. Tahimik at lahat nakikinig sa lesson. Ganito pala ang College life, lahat ng estudyante napapatino pagtungtong ng kolehiyo. Isa na ako sa patotoo doon. Babae ako pero ugaling lalaki ako. Tamad pumasok at tamad makinig sa lesson. Kaya nga laking pasasalamat ko dahil College na ako at alam ko sa sarili ko na titino na ako ngayon.

Wala pa akong nakikitang kakilala ko dito sa University. Kaya wala pa akong kasa-kasama. Ayoko namang pakipagkaibigan sa mga kaklase ko dahil hindi ako yung tipo na ako ang unang nakikipagkaibigan.

IT ang course ko at nakakatawang sabihin na hindi ko ginustong kumuha ng IT. It's my Mom decision after all. Dahil ang totoo kong pangarap ay maging Doctor at nakakatawa ring sabihin na gusto kong maging doktor pero takot ako sa dugo. See? Nakakahiya ako.

"Good bye class" Nagbalik ako sa realidad ng marinig kong nagsalita ang prof namin. Tapos na pala ang klase namin sa kanya.

Wala man lang napasok sa utak ko sa mga diniscuss nya. Siguro ay magseself study na lamang ako.

"May problema ba?" Napatingin ako kay Peter dahil sa pagtanong nya sa akin.

"Wala" Maikli at pagtataray kong sagot sa kanya. Ipinasok ko na ang aking Notebook sa loob ng bag ko. Naglakad ako pababa ng building para takasan ang makulit na Peter.

Pagkababa ko nakakita ako ng Study shed at doon ako naupo mag-isa. Malamig dahil may Umbrella Tree na syang nagpapalilim sa Shed. Presko at hindi masyadong maingay.

Pagbuklat ko ng Libro ko nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Peter. "May red tide ka ba, Aica?" Tanong nya habang nag-aayos sya sa pag-upo. Napasimangot ako sa patanong na sabi nya.

"Ang sungit mo kasi eh, o baka naman pinaglihi ka sa--" Pinutol ko na ang kanyang sasabihin. Napakadaldal nya para maging lalaki. Dapat ay naging babae na lang sya.

"Bastos ka!" Sigaw ko sa kanya at sinabayan ko ng sampal. Katamtaman lang pero pwede ng bumakat ang palad ko sa pisngi nya.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng mga ganon, una sa lahat hindi tayo magka-ano-ano. Pangalawa magkaklase lang tayo" May pagdiin ang bawat salitang binitawan ko ngunit mas may diin ang 'magkaklase lang' na salita. Nakayuko lamang sya at hindi tumitingala sa akin. Bahagya kasi akong napatayo kanina. Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Nakaramdam naman ako ng konsensya sa ginawa ko. It's too late to realize my mistake.

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon