Chapter 15

8 1 0
                                    

"Oh, 'bat naka-busangot ka na naman?" Tanong kaagad ni Peter pagkadating na pagkadating nya palang ng classroom. Mas lalo naman akong bumusangot ng ilabas nya mula sa bag nya ang isang supot ng bread stick.

Sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan nya lang ako. "Epal ka, kita mong nagpapabebe ako tas mang-aasar ka. Le--" Mabilis akong napatikom ng bibig dahil sa pagtatangka kong magmura. Nakahanda na ang bunganga ni Peter na sermonan ako maging ang kilay nya na animo'y babae na may pataas-taas pa ng kilay.

"Bakla, psh!" Bulong ko sapat na para hindi nya marinig.

"Ano nga ulit 'yon, Aica Blythe De Lara?" Parang Papa ko kung umasta ah. Hindi ko na lang sya pinansin at umirap na lang ako sa hangin.

"'Di ako repeater ng mga salita, Peter" Diniinan ko pa ang kanyang pangalan nong ito'y sinambit ko.

"Tsk, kamuntik na naman, Aica" Bubulong-bulong nya pero sadya naman itong malakas at sinabayan nya pa ng iling tsaka sya naupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Ngayon sabihin mo sa akin kung anong dahilan ng pagbubusangot mo jan" Seryosong saad ni Peter. Habang ako naman ay napabuntong hininga na lang.

"Nami-miss ko lang si Papa" Walang halong biro kong sagot kay Peter. Talagang miss na miss ko ang Papa ko. Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo kong napagtatanto na malungkot sa bahay. Wala si Kuya, wala din si Papa tanging dalawa lang kami ni Mama ang magkasama sa bahay. Sobrang kulang talaga ang pagkatao ko.

Sino ba naman kasi ang gustong mawalay ang anak sa magulang nya? At sino din bang magulang ang gustong mawaaly sa anak nila? Wala.

Narinig kong bumuntong hininga rin si Peter. Siguro ay naramdaman nyang napaka-seryoso ko talaga sa sinabi ko.

"'Bat 'di mo sya tawagan ngayon?" Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin.

Napa-kibit balikat na lamang ako. Hindi kasi ganun kadali.

Minabuti ko na lang na huwag nang sumagot dahil hindi ko rin naman din alam ang isasagot.

"Wag mo na lang masyadong isipin si Papa mo, dahil sigurado namang maayos sya at miss na miss nya rin kayo" Pampalubag loob ni Peter sa akin.

"Kainin mo na yang bread stick, kalahi mo ang mga yan kaya panigurado pag kinain mo sila, gagaan ang loob mo" Dagdag ni Peter. Pakiramdam ko hindi bread stick ang ikakagaan ng loob ko kundi yung mga mala-words of wisdom-- ni Peter.

Inirapan ko na lang sya kasabay nun ang pagdating ng Prof namin kaya umayos na kami mula sa magulong posisyon kanina.

Naghahalo ang iniisip ko, mula sa tinuturo ni Prof hanggang kay Papa na isama ko pa si Peter. Kulang na lang sumabog na ang utak ko sa dami ng sumusulpot na katanungan.

Si Prof na dakilang provider ng activities, si Papa na miss na miss ko na at si Peter na hindi ko alam kung bakit nasama sya sa pag-iisip ko.

Nagsimula ang lahat nang pag-iisip ko kay Peter noong--- hindi ko alam. Basta bigla-bigla na ko na lang syang naiisip.

"Okay class, Good bye" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Prof. Napatingin ako sa pambisig kong orasan at time na pala. Ganun ba ako kalutang sa haba ng oras ay doon ko lang nai-gugol?

Wala man lang pumasok sa utak ko kahit ni katiting na itinuro ng prof namin. Ni activities namin siguro ay magtatanong na lang ako kay Peter.

"Tara na sa next class natin?" Speaking of Peter. Tango lang ang isinagot ko tsaka ko na inayos ang mga gamit ko.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ni Peter ng room, may tumawag sa kanyang babae.

"Wait lang ha" Sabi sa akin ni Peter tsaka sya lumapit sa babaeng tumawag sa kanya. Napataas na lang ako ng kilay habang pinapanood ko silang nag-uusap.

Mas lalo pa atang nabinat pataas ang kilay ko nang makita kong tumawa si Peter. Sino ba yang babaeng yan at nagawa nyang patawahin si Peter? Ang pagkaka-alam ko sa akin lang sya tumatawa lalo na kapag inaasar nya ako!?

Ka-badtrip naman! Alam nyo yun? Ang sakit sa mata nilang tignan. Mas masakit pa sila sa sikat ng araw tignan. Nakakabanas!

Dahil sa inis ko, iniwan ko na lang si Peter doon sa babae at diko na sya hinintay pa. Bahala sya!

Nagmadali akong nagtungo ng canteen at namili ng pagkain ko lang.

Pagkatapos kong bumili, nagtungo naman ako sa Library para narin maglibang at doon magbasa. Napagdesisyonan ko na lang din na huwag na akong tumuloy sa next class ko.

Pagkarating ko ng library maraming estudyante ang nadatnan kong abala sa pag-i-scan ng mga libro na nasa harapan nila. Kaagad ko ring binati ang Librarian Teacher doon na si Mrs. Rivera. Hindi sya yung ibang librarian na masungit at strikta.

Kaagad akong naghanap ng librong pwede kong basahin ayon sa mood ko ngayon. Sa sobrang tagal kong paghahanap last bookshelf na lang at matatapos ko ng tignan lahat. Naubos na ng oras ko sa paghahanap ng libro.

At natigil ako ng may mahagip ang mata ko sa di kataasan ng bookshelf. Kaagad akong tumingkayad at mapalad akong naabot ang librong pumukaw sa aking mga mata.

Naghanap kaagad ako ng bakanteng mauupuan at malayo sa mga estudiyante.

Pakabuklat ko pa lang ng libro, kaagad ng bumungad sa akin ang halimuyak ng pahina. Bahagya pa akong napapikit siguro dahil sa mahal ko ang mga libro.

Habang nasa kasarapan ako ng pagbabasa biglang may tumikhim sa harapan ko kaya bahagya akong napatigil sa pagbabasa at napaangat ng tingin.

Isang lalaking pamilyar sa akin ang bumungad habang halata sa itsura nya ang panginginig ng katawan nya.

"Yes?"

"P-pwede bang m-ma-maki-upo?" Kanda-utal-utal nyang tanong sa akin. Napataas ako ng kilay sa inasta nya. Bahagyang napasingkit ang dalawa kong kamay upang alalahanin kung saan ko nakita ang lalaking naka-tayo sa harapan ko ngayon. Pamilyar talaga sya eh.

"Pamilyar ka sa akin eh" Sambit ko habang tinuturo ko pa sya.

"A-ako yung nagbigay sayo ng libro noon kung natatandaan mo pa, a-ako nga pala si-si Hideki" Bahagya akong natawa dahil halata talagang tense na tense sya.

"I don't bite, I eat" Mas lalo akong natawa ng mas pinamulahan sya ng pisngi sa sinabi ko. He's cute!

Naalala ko na, sya yung nagbigay sa akin ng book na nauutal din. Yung nagpapalipad hangin. So, Hideki is his name, huh? Siya pala yung tinutukoy ni Ate girl noong inaway nila ako. Too bad, ate girl don't deserve this cute guy named Hideki.

Sa dami ng nagbigay sa akin ng books sya lang ang natatandaan ko.I don't know why?

"I'm just joking, you may occupy the vacant chair in front of me, Hideki" Nakangiting sambit ko sa kanya, napakatamis na ngiti. Kaagad namang naupo si Hideki at sa taranta nya halos mahulog na lahat ng librong hawak nya. Hindi sya nerd, wala syang salamin. He's cute not handsome.

Tahimik na kaming dalawa pagkatapos 'non nang bigla syang nagsalita without stammering.

"Thank you sa pagpayag mong maki-upo ako rito" I stopped the business of mine and look at him.

"Thank you kasi hindi mo ako ni-reject knowing na mataray ka at tanging iisa lang na lalaki ang palagi mong kasama na kaibigan mo pa" Gusto kong matawa dahil ang seryoso nya at nadra-dramahan ako pero ang bastos ko naman yata pag ganun.

"Ahmm, Aica. I Love You" Naks! Gusto kong pumalakpak ngayon sa pagtatapat nya sakin! Bilis ah! Although di na ako nagulat sa confession nya.

Eto de-diretsahin ko na sya. Wala ng paligoy-ligoy pa. "I love you too not as a...

friend" Kunwari pa-suspense pa.

"I don't love you Hideki because you are stranger to me" Nakita kong nalungkot si Hideki sa sinabi ko. Harsh ba? Sorry, it is better to be truth than being a liar. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya, kaagad na akong tumayo at binalik ang librong kinuha ko sa dati nitong paglagyanan at mabilis ko nang nilisan ang library.

Hideki is wrong, I'm mataray.

Ayokong umasa si Hideki, ganun ang tunay na malasakit sa kapwa. Charot!

Lahat naman tayo may iba-ibang definition ng pagba-basted. Siguro masyadong kakaiba at nakakasakit lang talaga yung sa akin. Because I'm Aica, 'the straight to the point woman'.

•••

We Called It "Tadhana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon